• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM admin, pinag-aaralang maglaan ng mahigit sa P38B para sa digitalization efforts sa 2024

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos na maglaan ng P38.75 billion para sa  digitalization efforts nito sa 2024.

 

 

“The proposed budget for the digitalization of government processes marks a 60.6 percent increase from the PHP24.93 billion funding in 2023,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Binigyang- diin nito ang pangangailangan na palakasin ang  public service.

 

 

“Technological advancement has given rise to a growing digital economy which continues to create new forms of work, transforming the employment landscape. Hence, investing in the digitalization of the bureaucracy is crucial not only in enhancing its efficiency but also in generating quality jobs for Filipinos,”  ayon kay Pangandaman.

 

 

Tinuran pa nito na ang bulto ng panukalang budget ay hinati sa  10 ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Kabilang dito ang Department of Education (P9.43 billion); Department of Justice (P5.55 billion); Department of Information and Communications Technology (DICT) (P5.34 billion); Department of Finance (P3.15 billion); Department of the Interior and Local Government (P2.60 billion); National Economic and Development Authority (P2.08 billion);  Judiciary (P1.44 billion); Department of National Defense (P1.12 billion); Department of Environment and Natural Resources (P913 million) at iba pang Executive Offices (P890 million).

 

 

Sinabi ng Kalihim na ang kabuuang P990.631 million ay ilalaan sa information and communications technology (ICT) Systems and Infostructure Development, Management, at Advisory Program ng DICT.

 

 

Sinasabi pa na ang National Government Data Center Infrastructure (NGDCI) Program, ay makakakuha ng P1.67 billion, naglalayon na bawasan ang government spending sa pamamagitan ng pagbibigay ng resources sa government agencies sa pamamagitan ng “colocation o cloud services”.

 

 

Tinuran pa ni Pangandaman na ang National Government Portal (NGP) ng DICT ay makatatanggap ng  alokasyon na P302.86 million para i-streamline ang public service sa pamamagitan ng pagkonekta sa lahat ng departamento ng pamahalaan  sa isang “single website.”

 

 

“Another DICT program, the National Broadband Plan (NBP), will get a budget of PHP1.50 billion to improve internet speed and allow affordability across the country, ayon sa DBM.

 

 

Isang hiwalay na P2.5 billion naman ang gagamitin para pondohan ang Free WiFi Connectivity in Public Places and State Universities and Colleges Program, na may target na 50 broadband sites sa 82 lalawigan.

 

 

Winika ni Pangandaman, ang manatiling updated sa teknolohiya at palawakin ang paggamit nito na nakaayon sa whole-of-government approach ng administrasyong Marcos  ay naglalayon na  ‘digitally connect the entire bureaucracy.”

 

 

Ang inisyatiba ayon kay Pangandaman  ay hindi lamang para bawasan ang red tape kundi makalikha ng hanapbuhay  sa pinalawig na digital economy.  (Daris Jose)

Other News
  • Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualiiers

    Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain.   Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments.   At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan […]

  • Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH

    Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.     Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.     Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot […]

  • HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna

    NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon.     Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na […]