• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, aprubado ang plano ng DTI na paghusayin ang food distribution sa Pinas

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang estratehiya ng Department of Trade and Industry (DTI) na  mapahusay ang food logistics  sa Pilipinas.

 

 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay ng Pangulo ang plano sa isang pulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang mga opisyal ng DTI, Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Cimmunication Technology (DICT) at iba pa.

 

 

“President Ferdinand R. Marcos Jr., approved on Tuesday the Department of Trade and Industry’s  Three -year Food Logistics Action Agenda aimed  at revolutionizing  the country’s  food distribution system, reducing transport and logistics costs, and ensuring food supply chain efficiency,” ayon sa PCO sa isang kalatas.

 

 

Sinabi ng PCO na ang pangunahing layunin ng plano ay tiyakin na ang pagkain ay mananatiling available  at abot-kaya ng mga Filipino.

 

 

Tugon ito sa naging kautusan ni Pangulong Marcos noong September 2022 na palakasin ang “food logistics chain, cold chain industry, ports infrastructure at farm-to-market roads.”

 

 

“The Three-Year Food Logistics Action Agenda contains six key strategies to ensure success. These include  revolutionizing  the Philippines’ food distribution system, reducing transport and logistic costs, increasing investments in logistics infrastructure on transportation and storage, and addressing other supply chain gaps,” ayon pa rin sa PCO.

 

 

Kabilang naman sa plano ang paggamit ng food terminals at hubs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

“Food terminals are specific  locations with  standardized  logistical processes and trasnportation system to shorten the supply chain  between producers and consumers,” aniya pa rin.

 

 

“These hubs operate as central command centers for effectively  supervising the balane between demand and supply withj the resulting  synergy within these hubs amplifying the effectiveness  of the action plan,” ang paliwang ng PCO.

 

 

Idagdag pa rito, mas mapalalakas ng plano ng DTI ang pagsisikap ng pamahalaan laban sa hoarding at smuggling.  (Daris Jose)

Other News
  • Nag-trending matapos hiritan ng contestant: MARIAN, pinuri ni DINGDONG sa natural na talento sa pagpapasaya

    NAG-trending sa X (dating Twitter) si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sa isang male contestant ng Century Tuna Superbods na kung saan isa ang aktres sa mga hurado.       Kumalat nga ang video ng Q&A portion kung saan tinatanong ni Marian ang finalist na si Jether Palomo.       Ang tanong […]

  • Ipagpapasa-Diyos na lang kung kailan mangyayari: SHERYL, never na tatanggi sa reunion project nila ni ROMNICK

    ISA si Sheryl Cruz sa mga ambassadors ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery na pag-aari nina Noreen Divina at Juncynth Divina na sumaksi sa ribbon cutting ang blessing para sa grand opening na ginanap last Saturday, June 1 sa SM City, Fairview. Sila rin ang owner ng Nailandia na ine-endorse ni Marian Rivera na katabi lang ang puwesto sa […]

  • Marian, naniniwala na tinadhana talaga sila ni Dingdong

    TATLONG taon na ang programang Tadhana.   Hindi raw makapaniwala ang host nito na si Marian Rivera na aabutin sila ng tatlong taon.   Sa November 7 nga ay ang simula ng month-long special ng Tadhana. Na mula sa mga kuwentong O.F.W. lang dati, ngayon ay mga kuwento ng pag- ibig at pag-asa na ang […]