• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marian, naniniwala na tinadhana talaga sila ni Dingdong

TATLONG taon na ang programang Tadhana.

 

Hindi raw makapaniwala ang host nito na si Marian Rivera na aabutin sila ng tatlong taon.

 

Sa November 7 nga ay ang simula ng month-long special ng Tadhana. Na mula sa mga kuwentong O.F.W. lang dati, ngayon ay mga kuwento ng pag- ibig at pag-asa na ang napapanood.

 

Thankful si Marian sa Tadhana at sa GMA-7 na nagagawa niyang makapag-work from home. Bukod pa sa ang mister niya, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ang nagsisilbi niyang direktor.

 

When asked kung naniniwala ba siya sa tadhana, silang dalawa raw ni Dingdong ay example na ng tinadhana.

 

“Nang magsama kami ni Dingdong, parehas kaming may sari-sariling lovelife. Malay ba namin na ang uwi namin ay ganito.

 

“Siguro, kapag nakatadhana sa ‘yo at ibinigay sa ‘yo, kahit anong iwas mo, kahit saan ka magpunta, magmi-meet at magmi-meet pa rin kayo halfway at sa dulo.

 

“Yes, definitely, naniniwala po ako sa tinadhana at sa tadhana.”

 

*****

 

NAGAGANDAHAN kami sa trailer pa lamang ng bagong serye ng Kapamilya network, ang La Vida Lena na magsisimula ng mapanood sa iwantTFC simula sa November 14.

 

Although sa trailer at premise ng kuwento, puwedeng sabihin na napanood na ito sa maraming pagkakataon in the past. Mga pinagsama-sama at pinaghalo- halong proven & tested formula ng isang soap-opera. Pero siyempre, ang aabangan ay ang pag-atake ng cast sa kanya- kanyang character.

 

Marami na rin ginawang chal- lenging roles si Erich Gonzales dati, pero mukhang isa ito sa maituturing niyang “level-up” naman na in-terms of maturity in acting at pagiging daring from her Katorse days.

 

Mahuhusay rin ang support ni Erich na sina Janice de Belen, Agot Isidro, Carlo Aquino at iba pa.

 

Ito ang serye na sana, launching na ng ‘reyna ng You Tube’ na si Ivana Alawi. Napapaisip tuloy kami, wala kayang pagsisisi kay Ivana na nag-back- out siya?

 

Although siyempre, kung monetary ang pag-uusapan, kinikita pa lang niya sa You Tube e, malamang mas malaki kesa sa kikitain niya sa serye. Pero iba lang din talaga yung may nagawa ka ng de-kalidad na drama bilang isang actress. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Panuntunan sa paggunita ng Undas, inilabas ng Navotas

    NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon.     Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022.     Aniya, upang maging maayos […]

  • Increasing HPV vaccine access to reach cervical cancer elimination goals highlighted in 12th HPV Summit

    Patient groups, health experts, the academe, public sector and healthcare companies have collectively communicated the need to increase access to human papillomavirus (HPV) vaccines among teenage girls during the 12th HPV Summit titled “One Community Against HPV”.     The Summit also highlighted that HPV immunization as a preventive measure is integral as the Philippines […]

  • CANNIBAL LOVE STORY “BONES AND ALL” GETS R-16 RATING, TO BE SHOWN WITH NO CUTS

    AFTER playing to sold-out capacity crowds during the QCinema Film Festival, the controversial film “Bones and All” — a story of tender love and cannibalism — now showingnationwi with a favorable R-16 rating from the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB). [Watch the featurette “Bones and All: A Look Inside” at https://youtu.be/PUJ9kccG6BA] The MTRCB […]