PBBM, balik-Pinas matapos ang inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Lunes ng umaga matapos makiisa sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto.
Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay lumapag sa Maynila ng alas-5 ng madaling araw, ayon sa Communications Secretary Cesar Chavez.
Nakiisa ang First Couple sa ibang world leaders na sinaksihan ang inagurasyon ng Indonesian leader sa House of Representatives Building sa Jakarta.
Ang First Couple ay inimbitahan ng predecessor ni Prabowo na si Joko Widodo, na ang pinakamatandang anak na si Gibran Rakabuming Raka, ay naging pinakabatang vice president ng Indonesia.
Matatandaang, binisita ni Prabowo ang Maynila noong nakaraang buwan at nakipagpulong kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang kung saan pinagtibay ng mga ito ang kanilang pananaw para sa ‘greater ties’ ng kanilang mga bansa. ( Daris Jose)
-
AMO AT MAID, PATAY SA ENGKWENTRO
NASAWI ang isang kasambahay nang nagka-engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at babaeng amo nito sa Sampaloc, Maynila Lunes ng madaling araw. Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Mindanao Ave., sa nasabing lugar. Napag-alaman na dumating sa […]
-
Hidilyn reyna pa rin ng SEA Games
UMISKOR ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa pamumuno ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon. Nagtala ang 30-anyos na si Diaz ng total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para muling manaig […]
-
Anti-Terrorism Law, ganap nang maaaring ipatupad ng pamahalaan sa buong bansa
MAAARI na ngayong ganap na ipatupad ng pamahalaan ang implementasyon ng anti-terrorism law sa buong bansa. Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang constitutionality ng naturang panukala. Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, tuluy-tuloy na ang magiging implementasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa hindi na diringgin pa ng […]