• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

220 couples sa Bacolod, ikinasal na nakasuot ng face masks dahil sa COVID-19 scare

Aminado ang alkalde ng lungsod ng Bacolod na kakaiba ang isinagawang mass wedding kamakalawa kung saan 220 couple ang ikinasal.

 

Ayon kay Mayor Evelio Leonardia, sinadya na 220 pares ang ikakasal dahil ibinatay ito sa petsa na Pebrero 20, 2020 o 02-20-2020, na hindi na mauulit.

 

Ito rin aniya ang unang pagkakataon na nagsuot ng face mask ang mga bride at groom na libre ang naging pag-iisang dibdib.

 

Dahil dito kaya maituturing din daw itong Maskara Festival kung saan kilala ang Bacolod City.

 

Ang face masks ay ipinamimigay ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Health Office bilang bahagi ng precautionary measures laban sa coronavirus disease (COVID-19).

 

Samantala, kinilalang oldest couple sina Jennifer, 62-anyos, at Rolly Dela Cruz, 60, na 38 taon nang nagsasama bago nagpakasal.

 

Isinagawa ang seremonya sa lobby ng Bacolod Government Center.

Other News
  • Ads December 23, 2022

  • Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA

    ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon.     Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.   […]

  • P3.4-B halaga ng illegal drugs nasabat ng PDEA at PNP sa ikinasang buy-bust ops sa Zambales; 4 Chinese patay

    Patay ang apat na Chinese drug personalities matapos makipagsagupaan sa mga operatiba ng pamahalaan sa ikinasang buy-bust operation na pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA, PNP-DEG, ISAFP at NICA kaninang alas-11:30 ng umaga sa Noah’s Place, Barangay Libertador, Candelaria, Zambales, kung saan nasabat ang nasa P3.4 Billion halaga ng iligal na droga.     Kinilala […]