PBBM, balik Pinas mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand
- Published on November 21, 2022
- by @peoplesbalita
NAKABALIK nang muli sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.
Nakarating ang pangulo sa Pilipinas kasama ang iba pang Philippine delegation bandang alas-10:39 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 19, 2022
Kasunod nito ay agad na iniulat ni President Marcos Jr. ang mga usapin na kanilang tinalakay sa nasabing summit kabilang na ang usapin sa post-COVID-19 economic recoveries, at pagpapalakas pa sa pagtugon sa iba’t ibang global issues na kinakaharap ng bawat bansa tulad ng inflation, food self-sufficiency, climate change, energy security, natural disasters, at marami pang iba.
Aniya, ang naganap na pagpupulong ngayon ng 21 Economic Leader ng APEC Member Economies ay talagang nakakahikayat dahil tila magkakapareho raw ang problemang kinakaharap ng karamihan kung kaya’t mayroong pagkakatugma sa mga pananaw ng mga ito at pagsusuri sa mga bagay. (Daris Jose)
-
P154 B railway project bukas sa PPP
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP). “The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue […]
-
Pangarap niya na maging ganap na housewife: IVANA, maraming beses nang naloko at ginawa pang ‘sugar mama’
SA kabila ng sexy image kunsaan nakilala si Ivana Alawi, inamin nito na ang pangarap niyang talaga, maging isang housewife. Yes, ito ang inamin ni Ivana nang mag-mukbang vlog siya sa Youtube ni Dra. Vicki Belo. Biro pa ni Ivana, “since birth” ay dream na raw niyang talaga ang maging isang ganap […]
-
VP Sara, inalala na binalaan si Sen. Imee: Personal na huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea
SINABI ni Vice President Sara Duterte na minsan na niyang binalaan ni Sen. Imee Marcos na personal nitong huhukayin ang labi ng ama ng senadora na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at itatapon ito sa West Philippine Sea (WPS) kung hindi titigil ang mga ito sa sinasabing political attacks. Matatandaang, pinayagan ng ama […]