• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, balik-Pinas na

BALIK-PINAS  na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang  maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III  at kanyang  opisyal na pagbisita sa  Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden.

 

 

“It feels good to be back home!” ang sinabi ni  Unang Ginang Liza Marcos, kasama sa byahe ni Pangulong Marcos,  sa kanyang instagram post, araw ng Lunes, nagpapakita ng larawan ng kanyang asawa na may nakatatak na oras na 11:05 ng gabi, ng Mayo 7, 2023.

 

 

Dumating sa bansa ang Pangulo na walang isinagawang arrival honors.

 

 

Matapos ang ilang oras na pagbabalik sa bansa, binati naman ni Pangulong  Marcos si  King Charles III at Queen Camilla  sa kanilang koronasyon nito lamang weekend sa  London.

 

 

“It was as grand and magnificent a ceremony as could have been, full of symbolism and weighted by history. It was a great honor for me to represent the Philippines on such a historic occasion,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.

 

 

“A day before the Coronation of King Charles III, we were able to speak with His Majesty at the reception, where we sent him the congratulations of all Filipinos. He asked after his friend, my mother, former First Lady Imelda Marcos, and recounted fond memories of the time they shared together,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

“Filipinos wish His Majesty King Charles III a long and happy reign. May his Coronation signify the start of a new chapter of peace, progress, and prosperity for the United Kingdom and the Commonwealth,” aniya pa rin.

 

 

Si Pangulong Marcos ay kabilang sa  2,200  bisita na inimbitahan sa koronasyon ni King Charles.

 

 

Samantala, nakatakda namang lumipad ang Pangulo patungong Indonesia sa Mayo 9 para dumalo sa  annual summit ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

 

Inaasahan naman na pag-uusapan sa  regional meeting  ang nagpapatuloy na humanitarian crisis sa Myanmar. (Daris Jose)

Other News
  • BFP fire truck bidding, iimbestigahan ng DILG

    IIMBESTIGAHAN ng  Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa  fire trucks nito.     Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa  procurement proces sa BFP, sabay sabing ang  “restrictive procurement process practically […]

  • Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant

    Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.   Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.   “And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, […]

  • NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas

    NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong isulong ang bayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad. Personal din na bumisita sa lungsod si DILG Secretary Benhur […]