PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
POSIBLENG muling magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang US counterpart na si Joe Biden kapag nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider, pansamantalang itinakda sa buwan ng Abril.
“Clearly, we need to have President Marcos come to Washington, DC. He is okay to have a meeting again with President Biden and these meetings have already been discussed extensively and I hope it will happen also around that timeframe,” ayon kay Romualdez.
Tiniyak ni Romualdez na iba ito mula sa naging pagdalo ni Pangulong Marcoss sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) noong Nobyembre.
Sinabi pa niya na titingnan pa kung ang magiging pagpupulong ay magiging bahagi ng official o state visit.
“Pres. Marcos is not choosy when it comes to the invitation. The most important is the substance of the meeting,” diing pahayag ni Romualdez.
Aniya, sa posibleng pagpupulong, maaaring sakop nito ay mga usapin mula ekonomiya hanggang seguridad.
“Food security, the US is very cognizant of that as one of the priorities of the Marcos administration. There will also be economic activity discussions between the two countries. It all boils down to our relationship with the United States so in terms of cultural, defense, security and economic issues,” dagdag na wika ni Romualdez.
Matatandaang, unang nagpulong sina Pangulong Marcos at Biden noong Setyembre ng nakaraang taon sa United Nations General Assembly sa New York.
2+2 Ministerial Meetings sa Washington, US Defense Secretary Lloyd Austin sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Maliban sa posibleng pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Marcos at Biden, may mga top foreign at defense officials ang nakatakdang magpulong sa Washington sa Abril.
“This is very important again as far as our relationship with the United States. To be able to talk about issues not necessarily the West Philippine Sea but our overall global situation that we’re facing,” ng pahayag ni Romualdez.
Samantala, kinumpirma rin ni Romualdez na darating sa bansa si US Defense Secretary Lloyd Austin sa unang linggo ng Pebrero.
“President Marcos agreed to meet with him. They will discuss our defense treaty concerns,” ayon pa rin kay Romualdez.
-
PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin, polio
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, tigdas-hangin at polio. Sa isang video na naka-upload sa kanyang official Facebook page, sinabi ng Pangulo na dapat na samantalahin ng mga magulang ang Department of Health’s (DOH) month-long “Chikiting Ligtas” program na naglalayong […]
-
JUDY ANN at RYAN, humabol para magpa-rehistro dahil gusto ng pagbabago; nanghihikayat ‘to unite and vote’
DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na. Sunod-sunod ang mga artist ana nagpo-post ng kanilang pagpapa-rehistro sa Comelec. Akalain mo ‘yun na sa […]
-
Miss Universe-PH Beatrice, bigla namang nasangkot sa isang love triangle at baka matulad kay RABIYA
SANGKOT sa isang love triangle ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez. Ayon sa isang post ng isang netizen na nagngangalang “Johnny Batumbakal”, may ka-affair diumano si Gomez sa isang lalake na ang pangalan ay John Odin at kinakaliwa raw nito ang kanyang girlfriend of seven years na si […]