• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.” 
Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon.
Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders.
Para sa Pangulo, mga manloloko at mandaraya ang mga ito na nagsasamantala sa mga magsasaka at consumers.
Tinalakay kasi ng Pangulo sa kanyang SONA ang paksa ukol sa smuggling, alamin ang mga dahilan ng pagtaas ng  presyo ng mga pangunahing bilihin at goods.
“Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga smuggler, mga hoarder, at mga nagmamanipula ng presyo ng produktong agrikultura,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Hinahabol at ihahabla natin sila. Sadyang hindi maganda ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin,” anito.
“Pandaraya ang kanilang ginagawa. Napapahamak, hindi lamang ang mga magsasaka, kundi tayo rin na mamimili, kaya hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)
Other News
  • Ads April 19, 2021

  • PAG-APIR, AUTOGRAPH NG NBA PLAYERS BAWAL MUNA

    PINAYUHAN ng NBA ang mga player ng liga na iwasan muna ang pag-apir sa fans at pag-autograph sa mga item ng fans para sa kaligtasan ng bawat isa mula sa coronavirus outbreak.   Naglahad ng 10 rekomendasyon ang NBA para matiyak na ang kanilang manlalaro ay hindi mahahawa sa COVID-19 at kabilang dito ang pag-iwas […]

  • Housing loan ng PAG-IBIG tumaas matapos ang pagbawal sa POGO

    NAKIKITA na ngayon ng PAG-IBIG funds ang pagtaas ng kumukuha ng housing loans mula ng simulan ng gobyerno ang pagbabawal ng Philippine offshore gaming Operators o (POGO).     Ayon sa PAG-IBIG na maraming mga condominium units ngayon ang nabakante mula ng palayasin ang mga naninirahang POGO operators.     Dagdag naman ni Pag-IBIG Acting […]