• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Cabinet tinalakay ang digital governance, pagpapagaan sa restriksyon

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ngayong araw  ng Martes, Oktubre  25 sa kanyang gabinete upang talakayin ang pag-usad ng mga plano ng administrasyon, kabilang na ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan .

 

 

Sa Facebook post ng Office of the President (OPS) nakasaad dito na pinag-usapan din sa miting ang health protocols ng bansa pagdating sa pagbiyahe at ang panukalang gawing mas maluwag ang travel restrictions sa Pilipinas.

 

 

Inanunsyo ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ima-mandato ng gobyerno ang paggamit ng electronic arrival (eArrival) card,  scan-and-go system  sa mga paliparan sa bansa simula sa Nobyembre 1, ng taong kasalukuyan.

 

 

Simula rin sa Nobyembre 1, ire-require naman ng  Bureau of Quarantine (BoQ) ang lahat ng  inbound travelers na kumuha ng  eArrival card sa loob ng 72 oras bago ang kanilang  departure o pag-alis mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

 

 

Ang mga arriving travelers ay maaaring kumuha ng  eArrival card  sa pamamagitan ng pagpunta lamang sa  website  na onehealthpass.com.ph o sa pamamagitan ng pag-scan ng  QR code na palatandaan  sa poster  na ipinalabas ng Department of Health (DOH).

 

 

Ang paggamit ng  eArrival Card ay maaaring mas maging convenient sa pagbyahe sa bansa dahil aalisin nito ang hindi na kailangang impormasyon na makikita sa One Health Pass system.

 

 

Target naman ng gobyerno ng Pilipinas na gawin pang mas relax  ang “stringent entry protocols” ng bansa para makapanghikayat ng mas maraming turista.

 

 

Sa kabilang dako, sa  weekly vlog ng Pangulo na ipinalabas noong Oktubre 22, hinikayat nito ang mga filpino na galugarin ang kagandahan  ng  Pilipinas para lalong sumigla ang  pagyabong ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan na i-promote ang lokal na turismo para makalikha ng mas maraming economic activities  sa bansa.

 

 

Nangako rin ito na ipagpapatuloy ang pagdalo sa  promotional tourism activities sa mga lalawigan at gawin na mas accessible ang mas marami pang lalawigan para sa mga byahero.

 

 

Giit ng Pangulo, tuloy-tuloy  ang gagawin niyang pagpo-promote sa Pilipinas bilang destinasyon na handang i-welcome ang mga  local at foreign travelers.  (Daris Jose)

Other News
  • AFP binago ang kanilang military acquisition plan, Horizon 3 magsisimula ngayong 2023

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para makahabol sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng mga delays dahil sa Covid-19 pandemic.     “Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back […]

  • INC magsasagawa ng rally bilang suporta sa panawagan ni PBBM vs impeachment

    MAGKAKASA ang Iglesia ni Cristo (INC) ng rally bilang suporta sa panawagan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.       Sa isang report sa INC-run network Net25 noong Huwebes, sinabi ni “Sa Ganang Mamamayan” program host Gen Subardiaga na […]

  • PHILHEALTH: ‘NAGBAYAD NA KAMI NG P1.6-BILLION SA PH RED CROSS’

    ITINANGGI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may utang pa silang higit P930-million sa Philippine Red Cross (PRC) para sa mga isinagawang COVID-19 tests ng private institution.   “As of September 2020, PhilHealth already paid the PRC a total of P1.6 billion for at least 433,263 tests,” ayon sa state- health insurer sa isang […]