• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM dadalo sa APEC Summit sa US

DADALO sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa ­Nobyembre 2023 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

 

 

“President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that President Marcos will be attending together with all the leaders who have been invited to APEC,” ayon kay Romualdez.

 

 

Sinabi pa niya na inaasahang makikipagkita si Marcos sa American business groups para talakayin ang posibleng investments sa bansa.

 

 

Bukod dito, handa rin umano sa pagkakataong iyon ang PIlipinas na ipakita ang reporma at economic programs sa nasabing pagtitipon para makahikayat pa ng investors.

 

 

Inanunsiyo naman ni US Vice President Kamala Harris na ang summit ay gagawin sa Nobyembre 12 sa San Francisco California at bilang host country ay makikipagtulungan sila sa APEC economies para lumikha ng bagong sustainability at decarbonization commitments. (Daris Jose)

Other News
  • Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco

    PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.   Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]

  • ‘Pertussis outbreak’ idineklara sa Quezon City

    PINAKIKILOS na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang iba’t ibang departamento sa city hall upang agad na matugunan at maresolba ang sakit na ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lungsod.     Kasunod ito ng deklarasyon ng QC LGU ng ‘pertussis outbreak’ matapos na sumipa sa 23 ang naitalang kaso sa lungsod kung saan apat […]

  • Cool muna tayo- Sec. Roque

    PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na manatiling kalmado at mangyaring hintayin na lamang ang pinal na report ng Commission on Audit (COA) matapos mapaulat na nakitaan ng komisyon ng ilang umano’y kakulangan sa tamang panghawak ng Department of Health (DoH) sa pondo para sa pandemya.   “‘Yung mga initial observation, nasasagot po iyan ng mga ahensiya .   […]