• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, desididong mamuhunan para sa pagpapaganda ng transport system sa bansa

DESIDIDO  si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na  ituloy ang  pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas.

 

 

Sa Metro Manila Subway Project Launching Ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno  para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa.

 

 

Mas marami aniya proyekto pa ang kanilang itutulak  sa mga susunod na taon sa gitna ng  target nila na magkaroon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at Iba pang lugar na  mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na  transport system.

 

 

“We will continue to invest and improve on our transportation systems as well as to pursue more projects in the years to come, so that Filipinos can gain greater access to places of work, commerce,  recreation, and other vital areas,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“Having an effective and efficient transportation system will have multiplier effects on employment, the economy, [and] our society; it will bring comfort, convenience, [and] an easier life for all,” wika pa nito.

 

 

At sa paglulunsad ng boring tunnel machine sa Valenzuela City kaninang umaga, sinabi ng Chief Executive  na magsisilbi itong simbolo ng commitment ng kanyang Administrasyon para ituloy ang mga nasimulang proyekto ng dating administrasyon.

 

 

Sa ilalim aniya ng kanyang pamamahala sa bansa, tiniyak Ng Presidente Ang target niya para sa mas maraming proyektong pang- imprastraktura sa ilalim ng “Build,  Bettter, More.” (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom

    ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.     Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos […]

  • Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

    PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.   Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.   “At […]

  • Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya

    HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya.   Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally.   “Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make […]