• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, Digong ginagalang ang kapasyahan bilang babae ni VP Sara

SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi niya kailanman tinatalakay ang pulitika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kapwa aniya ginagalang ng mga ito ang kanyang kapasyahan bilang babae.

 

 

 

Sinabi pa rin ni VP Sara na hindi siya kailanman pinakialaman ng kanyang ama at ni Pangulong Marcos sa kanyang mga desisyon bilang isang pulitiko.

 

 

“Politics is a matter that I have not discussed with former President Rodrigo Duterte, nor have I discussed my positions on national issues with President Ferdinand Marcos Jr.,” aniya pa rin.

 

 

 

“It is clear that both men are blessed with the heart to respect the will of a woman,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni VP Sara na kapwa ang kanyang ama at Pangulong Marcos ay mayroong “similarly expressed concerns over my well-being.”

 

 

 

“I assured them that I would take care of myself as I carry out my duties and responsibilities as Vice President and the Secretary of the Department of Education,” giit nito.

 

 

 

“Both leaders are also gifted with the wisdom to know that I am not a problem and I do not need to be solved, rather, this is the time to focus on the work that needs to be done for the country,” dagdag na pahayag ni VP Sara.

 

 

 

Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos magtaka ang ilang mambabatas sa kanyang presensiya sa prayer rally na idinaos ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder at lider na si Apollo Quiboloy, na nahaharap ngayon sa pang-aabuso at iba pang reklamo na nakahain sa komite ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

 

Ang nasabing prayer rally ay pagpapahayag ng suporta kay VP Sara at sa mga kapatid nitong sina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte at mayroon ding mga panawagan para kay Pangulong Marcos na bumaba na sa puwesto. May mga pambabatikos naman laban kay Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

 

 

 

Subalit, ipinagbikit-balikat lang ni VP Sara ang bagay na ito at binigyang-diin ang pangangailangan na lutasin ang mga pambansang usapin.

 

 

“Halimbawa nito ay ang kalidad ng edukasyon, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasama na ng pagkain, at ang isyu ng terorismo, kriminalidad, kawalan ng katiyakan ng ating seguridad at kapayapaan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Pabilisin ang national ID system, mandato ni PDu30

    MANDATO talaga  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pabilisin ang national ID system sa bansa.   Nais kasi ng Pangulo na tuluyan nang mawala ang panloloko at pandaraya ng ilang tiwaling opisyal makapagbulsa lamang ng pera mula sa kaban ng bayan.   “Dahil nakita natin na iyong pagdi-distribute ng ayuda ay hindi sana na-delay kung […]

  • PBBM, hindi pa nagtatalaga ng BI commissioner

    KAAGAD na pinabulaanan ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Atty. Abrahan Espejo Jr.,  dating dean ng  College of Law ng New Era University, bilang  bagong  BI commissioner.    Giit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hanggang ngayon ay wala pa ring napipisil si Pangulong Marcos na maging bagong BI Commissioner.   “No […]

  • 7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima

    ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.     Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa […]