• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, dumating na sa Cambodia para sa ASEAN summit

DUMATING na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa Cambodia, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 9 para dumalo sa  40th at  41st Summits ng  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

 

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo dakong alas-6:45 ng gabi  (Cambodia time)  sa  Phnom Penh International Airport.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng media na umaasa siya na magkakaroon ng “productive sessions” kasama ang ASEAN leaders, at maging ang  iba pang dialogue partners  sa regional bloc sa panahon ng Nov. 10-13 meetings.

 

 

“I think the Code of Conduct is medyo natutulog eh. It is not really moving forward. Maybe we can do it using that, the Code of Conduct that is being proposed. We already have actually, the previous declaration which we can base it on. That is one of the many suggestions that I am hoping to bring,” ayon kay Pangulong Marcos nang tanungin kung paano niya balak talakayin ang West Philippine Sea o South China Sea issue habang nagpupulong.

 

 

Ang 10-member ASEAN at China  ay nagkaroon ng negosasyon para sa  Code of Conduct sa South China Sea sa nakalipas na ilang taon para i- manage tensyon sa gitna ng pag-angkin sa SCS.

 

 

Layon ng COC na  i-upgrade ang ‘looser’ Declaration on the Conduct of Parties sa  SCS, kasama ang  ASEAN diplomats, umaasa ang Pangulo na makakamit ang  “effective and substantive pact.”

 

 

“Kailangan natin makahanap ng paraan para i-resolve ang issue na ito. But to do that, we have to first, status quo everything. And that is what the Code of Conduct will do – to leave things as status quo. The first declaration that we had also said that, that no changes,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na umaasa siyang matatalakay niya sa lider ng China  ang patuloy na pagbabalewala ng bansa (China) sa 2016 arbitral ruling sa pamamagitan ng pagtatayo ng  artificial islands doon at pinagtibay ito sa pamamagitan ng military installations.

 

 

“I hope it will (be) done with the Chinese President. Yeah, so hopefully, iyon ang isang maging isang subject matter na pag-uusapan namin. It is impossible for me to talk to China without mentioning that,” aniya pa rin.

 

 

Sa sidelines  naman ng  ASEAN Summit, magdaraos si Pangulong Marcos  ng bilateral meetings kasama ang kanyang mga counterparts  mula Canada, France, Cambodia, at South Korea.

 

 

“I just made schedule with [Canadian leader Justin] Trudeau. Pero ano lang iyon, because I never met him, so I suppose that would be an introductory one,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Balak aniya niya na talakayin ang isyu ukol sa nuclear power kasama ang lider ng France  lalo pa’t “very well practiced” ang mga ito pagdating sa nasabing aspeto.

 

 

Sa kabilang dako, sa kanyang  pre-departure speech sa  Ninoy Aquino International Airport, sinabi ni Pangulong Marcos na magdaraos ng summits ang ASEAN leaders  kasama ang  dialogue partners  kabilang na ang Australia, Canada, Japan, India, Republic of Korea at Estados Unidos.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ipo-promote at po-protektahan niya ang interest ng bansa sa ASEAN at bibigyang diin ang  regional cooperation hinggil sa maritime security, climate change, food security, health cooperation at economic recovery.

 

 

Tatalakayin din aniya ng mga   ASEAN leaders ang  mga regional issues gaya ng  COVID-19 pandemic,  political crisis sa Myanmar, at maging ang  Russia-Ukraine conflict.

 

 

Looking forward naman si Pangulong Marcos na makapulong ang  Filipino community sa Cambodia bago siya bumalik ng Pilipinas.

 

 

Samantala, umaasa rin ang Pangulo na matitikman niya ang  Cambodian cuisine.

 

 

“Yes, sure I will try everything kasi first time ko. I have never been to Phnom Penh, so yeah I look forward to that. I like to travel anyway, so I am always trying everything,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour

    NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA,  4-6, 6-1, 10-1.     Buwena-manong kompetisyon pa lang […]

  • Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi

    Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act.     Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang […]

  • Thirdy balik Gilas Pilipinas

    Muling pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jakarta,     May 19 players ang nasa Calambubble kasama si Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix.     Nagbalik si Ravena sa pool matapos ang kanyang huling laro suot ang […]