• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito

ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado.

 

 

 

Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram na may caption na, ”Had a nice time breaking bread with the Senators & their spouses.”

 

 

Ipinost din ng Unang Ginang ang kahalintulad na larawan sa Facebook na may caption na, “Casual dinner with the Senators & their spouses, Bahay Pangulo, Manila.”

 

 

 

Makikita sa larawan sina newly elected Senate President Francis ”Chiz” Escudero, Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Pia Cayetano.

 

 

Sa mga dumalo sa pulong, tanging sina Gatchalian at Legarda ang hindi sumuporta para patalsikin bilang Senate president si Juan Miguel Zubiri.

 

 

Sa ulat, inihalal ng mga senador nitong Lunes ang kanilang kasamahan na si Francis “Chiz” Escudero bilang bagong Senate President, kapalit ng “heartbroken” na si Juan Miguel Zubiri, na iginiit na prinotektahan niya ang pagiging independent ng Senado.

 

 

 

Matapos ang talumpati ni Zubiri para ihayag ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Senado, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo si Escudero na maging bago nilang lider, na sinang-ayunan naman ng mayorya.

 

 

Ginawa ni Escudero ang panunumpa bilang bagong Senate President kay Sen. Mark Villar, na siya namang pinakabatang miyembro ng kapulungan.

 

 

Kasama ni Escudero sa panunumpa ang kaniyang asawa na si Heart Evangelista.

 

 

Sa kanyang pahayag matapos ang oath-taking, pinasalamatan ni Escudero si Zubiri sa pagmamahal nito sa bayan at sa Senado bilang isang institusyon.

 

 

 

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom. Mas malayo po at mas marami kayong alam sa akin lalo na bilang taga-pangulo ng Senado,” ayon kay Escudero.

 

 

Tiniyak ni Escudero na walang mangyayaring pagkakahati-hati sa Senado sa kabila ng pagbabago sa liderato.

 

 

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado. At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na yan ay dapat sumasagisag as bandila ng Pilipinas na nagkataon lamang na nasa likod at nasa harap natin ngayon,” dagdag niya. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 15, 2024

  • PDu30, nilagdaan na ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”.   Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 […]

  • Quezon City LGU sinimulan na operasyon ng 2 water retention project

    PAGAGANAHIN na ng Quezon City LGU ang dalawang malaking water retention project upang makatulong na maibsan ang matinding pagbaha sa Lungsod tuwing may bagyo.   Sa ginanap na QC journalist forum, sinabi ni Ms Peachy de Leon, spokesperson ng QC Disaster Risk Reduction Management office (QCDRRMO) na malaki ang posibilidad na mabawasan ang bilang ng […]