PBBM, gobyerno “on track” sa pagsusulong ng key railway projects; determinadong resolbahin ang matindin problema sa trapiko
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
DETERMINADO ang gobyerno ng Pilipinas na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion.
Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang paglagda sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na nakikita nito na may magagawa ang proyekto na mabawasan ang “terrible stories” na naririnig niya mula sa mga taong late na kung makauwi ng bahay dahil sa matinding trapiko.
“We will reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning and the children are asleep,” wika ni Pangulong Marcos.
“They have to wake up at four o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work. And that the subway and all our public transport systems will be able to help and to remedy,” aniya pa rin.
Isinusulong din aniya ng kanyang administrasyon ang iba pang “key railway projects” gaya ng Metro Rail Transit (MRT)-7, Light Rail Transit (LRT) -1 Cavite Extension, at Philippine National Railway (PNR) Clark Phases 1 at 2, upang ang rail transit system ng bansa ay maging “more viable option” para sa mga Filipino commuters.
“We owe it to the Filipino people to build major roads and critical infrastructure that will not only spur progress and social change but also promote interconnectivity, ease traffic, and reduce their travel time,” lahad pa ng Punong Ehekutibo.
Kumpiyansang inihayag naman ng Pangulo na “the country can move full speed ahead towards building better and more infrastructure projects for the Filipino people.”
Inimbitahan naman ni Pangulong Marcos ang mga ito na maayos na makipagtulungan sa gobyerno tungo sa “shared goal of an efficient public transportation system that enhances people’s mobility, improves interconnectivity, and spurs equitable development.”
“Let me assure you that the government remains dedicated to maximizing its resources to pursue even more ambitious endeavors that will bring comfort and progress to Filipinos all over the country,” aniya pa rin.
Sa oras aniya na makompleto na, inaasahan na sa pamamagitan ng MMSP ay mababawasan ang travel time sa pagitan ng Quezon City at Pasay City mula sa isang oras at kalahating minuto ay magiging 35 minuto at sinasabing mapakikinabangan ng mahigit kalahating milyong pasahero kada araw mula Valenzuela City hanggang Parañaque City.
Nakikita rin na makalilikha ito ng milyong trabaho at oportunidad para sa mga Filipino. (Daris Jose)
Other News
-
Ads April 20, 2024
adsapr_202024
-
Mary Francine Padios, pencak silat puntiryang mas makilala
Kung martial arts ang pag-uusapan, isa ang pencak silat sa mga nakakakuha ng medalya para sa ‘Pinas dahil sa galing ng mga atleta. Nito lang Mayo sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nakakopo ang mga atleta ng medalya kasunod pa sa Asian Pencak Silat Championships sa India. Isang linggo pang […]
-
KRISTOFFER, tinira-tira ng ex-gf at pinagselosan daw si TAE HYUNG ng ‘BTS’
HABANG nagra-rant sa Twitter ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagpapa-interview ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang 4-year old daughter na si AC Banzon, may sariling mga tweets din si AC tungkol sa ex-boyfriend. Naka-lock na ang Twitter account ni AC, pero may nahanap kaming screenshots ng mga tweets niya […]