PBBM, gustong matapos ang 4 na high dams sa 2028
- Published on April 3, 2024
- by @peoplesbalita
PARA TUGUNAN ang kakapusan sa tubig, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tapusin ng gobyerno ang konstruksyon ng ilang dams, kabilang ang apat na ‘high dams’ sa 2028, ayon sa National Irrigation Authority (NIA).
Sinabi ni NIA Administrator Eddie Guillen na inaasahan ng Pangulo na ang apat na malalaking dams, ibig sabihin iyong nakatayo o nakatindig ng higit sa 75 metro o mayroong reservoir storage capacity na higit sa 60 million cubic meters, ay matatapos sa 2028 o sa huling bahagi o pagtatapos ng kasalukuyang administrasyon.
Ang apat na malalaking dams ayon kay Guillen ay una ay ang P8.6 billion Tumauini River Multipurpose Project (TRMP) sa Isabela province; ang pangalawang ay ang P19 billion Panay River Basin Integrated Development Project (PRBIDP) sa Iloilo. Binubuo ng dalawang Panay High Dam, ang Panay Afterbay Dam; isang high line canal; at floodway component
Ang pangatlo naman ay ang P22.7 billion Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project II (INISAIP II) at ang pang-apat ay ang P9 billion Ilocos Sur Transbasin Project.
Idagdag pa rito, sinabi ni Guillen na mayroong 10 medium dams, na nakatindig o nakatayo ng higit pa sa 15 hanggang 75 metro o mayroong reservoir storage capacity ng higit pa sa 3 hanggang 60 million cubic meters, ay inaasahan na matatapos bago matapos ang 2024 o sa unag bahagi ng 2025.
“Ang bilin po ng ating Pangulo…ang solusyon po talaga [sa water shortage] at maglagay ng additional dams. The President wants us to shift from [building] flood control projects to water management [projects],” ayon kay Guillen.
“That is what we are doing now, because everytime we have water problems, it is because itong mga malalaking dams na inaasahan natin, Magat at Pantabangan dam, ipinatayo pa noong Pangulong [Ferdinand] Marcos, Sr. Pantabangan will be even 50 years (old) in September. Unfortunately, hindi na nasundan ng ganung mga proyekto,” aniya pa rin.
Nauna rito, tinanong kasi si Guillen kung ano ang gagawin ng gobyerno sa gitna ng naging anunsyo ng National Water Resources Board (NWRB) na babawasan nito ang alokasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila simula ngayong Abril dahil sa mababang rainfall projection.
Ang mga high dams ani Guillen ay nagbibigay ng long term solutions at tinutugunan ang pangangailangan sa tubig ng bansa.
“With high dams, you get long term solutions because it also provides irrigation, [a measure for] flood control, power generation, domestic water and acquaculture needs,” ani Guillen.
“Bawi po talaga tayo kapag high dam,” aniya pa rin.
Tinuran pa nito na ginawa ng simple ng NIA ang proseso ng pagtatayo ng dams, mababawasan na ang time frame mula sa pagtatayo sa aktuwal na implementasyon sa loob ng tatlong taon.
“Ang sistema po kasi natin dati is gumawa ng feasibility study, tapos gagawa ka ng design, ng detailed engineering. Eh ngayon po ay iba na],” ayon kay Guillen.
“Kapag mayroon ng feasibility study si NIA, design and build na kami. So sasabihin namin sa mga contractors, “Ito iyong gusto naming dam, kailangan namin ng 500 million cubic meters na capacity, dito ninyo ilalagay.” So contractors na ngayon ang magdi-design at sila ang magko-construct. So mapapabilis po, iyon po ang sinasabi natin,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
LTO muling magbibigay ng driver’s license na plastic cards
MAGSISIMULA nang muling magbigay ng plastic cards na driver’s license ang Land Transportation Office (LTO) matapos ang ilang buwan na kumpirmahin ang kakulangan ng plastic cards. Matatandaan na nagdesisyon ang LTO na magbigay muna ng temporary licenses na nakalagay lamang sa isang papel. “We have enough numbers of plastic […]
-
Mambabatas, hinihingan ng paumanhain si VP Sara Duterte hinggil sa pagsisinungling nito
HININGAN ng paumanhin ng mga mambabatas mula kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagsisinungaling sa publiko matapos lumabas ang ulat na nasa Calaguas Island siya noong Lunes ng umaga, ang takdang araw na nakasalang ang kanyang opisina sa plenary budget deliberation sa Kamara. Tinuligsa din nina House Assistant Majority Leaders Paolo […]
-
JULIA, malaki ang pasasalamat kay Direk BRILLANTE sa ‘di malilimutang experience sa ‘Bahay Na Pula’
NAKATAPOS na pala ng isang pelikula si Julia Barretto na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza, ang Bahay Na Pula na soon ay ipalalabas sa Vivamax. Muli niyang makakasama ang isa sa leading man sa serye ng Di Na Muli na pinalalabas sa TV5 na si Marco Gumabao at kasama rin si Xian […]