PBBM, hangad ang pinasimpleng MINING FISCAL REGIME
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na itulak ang pinasimpleng fiscal regime para sa mining industry.
Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime, na kanyang inilarawan bilang “fundamental to creating a fair and equitable mining environment for everyone involved.”
“I urge all our dedicated agencies and esteemed members of Congress to support the Rationalization of the Mining Fiscal Regime,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) sa Palasyo ng Malakanyang.
Ipinanukala ng batas ang isang revised fiscal regime, pagpapataw ng isang four-tier, margin-based royalty mula 1.5% hanggang 5% sa income o kinita mula sa mining operations sa labas ng mineral reservations.
Sa ilalim ng kasalukuyang fiscal regime, ang iba’t ibang obligasyon ng mining groups at mga kompanya ay depende sa mining agreement. Nagpapataw din ito ng buwis para lamang sa mga minahan na nago-operate sa loob ng mineral reservation.
Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang ‘regulatory capabilities’ nito para sa industriya.
“It is equally vital for the DENR to strengthen regulatory capabilities for all mining operations to ensure compliance with safety and environmental standards,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, kabilang sa mga regulasyon na binanggit ng Pangulo ay ang pagpapalabas ng Administrative Order No. 2022-04, nagbibigay mandato sa biodiversity management sa mining operations, kasama ang pagtatatag ng National Environment and Natural Resources Geospatial Database.
“The measure reflects the government’s commitment to responsible practices,” ang tinuran ng Chief Executive.
Tinukoy din ng Punong Ehekutibo na ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, nilagdaan noong Mayo ng taong kasalukuyan, binigyang diin ang dedikasyon para sa napananatiling ‘resources management.’
“This landmark legislation ensures that a robust system is in place to quantify and integrate the value of our country’s natural assets into national economic planning and decision-making,” aniya pa rin.
“This will enable us to better balance economic gains with environmental protection and guarantee that the true cost of resource extraction is accounted for,” ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)
-
15% senior discount sa kuryente, tubig
LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento ng mga senior citizen na may bayarin sa tubig at kuryente. Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]
-
Public apology ng Kuwait government sa pamilya Ranara, hiningi
DAPAT na mag-’public apology’ ang gobyerno ng Kuwait sa pamilya ni Jullebee Ranara, ang Pinay OFW na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng amo ng kanyang employer sa Kuwait. Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na kabilang ito sa mga kundisyong isinusulong niya kasabay ng panawagan niyang ‘total deployment ban’ sa mga first-timers OFW […]
-
Baldwin tiwala sa Gilas squad
Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban. Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro. Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod […]