PBBM, hangad na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa
- Published on March 9, 2023
- by @peoplesbalita
HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paramihin pa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa para maging pantay ang trato ng ekonomiya sa lahat ng mga mamamayang Filipino.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos matapos makiisa sa Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Grounds, Elliptical Road, Quezon City, sinabi nito na hindi lamang yung mga mayayaman, may kaya at may trabaho kung hindi lahat ng mga mamamayan ay dapat aniyang inaalalayan at iniisip kung papano pagandahin ang buhay.
“Sana po paramihin po natin, we have identified many more areas na puwedeng paglagyan nitong Kadiwa Para sa Manggagawa at sa kabila naman niyan ay meron talagang dumadami na yung ating kadiwa sa buong Pilipinas at siguro nakakailan na tayo, we have almost, 500 more or less ang ating kadiwa na. ‘Yung iba dyan ay dagdagan na lang natin para lalagyan natin na specific para talaga para sa mga manggagawa natin,” ayon sa Pangulo.
Asahan aniya ng lahat na hindi titigil ang kanyang administrasyon hanggang masabi ng publiko na bumababa na ang presyo ng mga bilihin.
Inalala naman ng Pangulo na nagsimula ang Kadiwa noong Pasko kasabay ng patuloy na pagtaas.
“Kaya’t ginawa namin ng paraan at binalikan natin yung dating sistema na direkto mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa, hindi na dumadaan kung saan saan pa na middleman at yung kung ano man ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganun maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang presyo,” ang paliwanag ng Pangulo.
“Kung kaya’t nakikita natin, marami tayong nababalitaan na nagtataasan na presyo, dito sa Kadiwa ay makikita natin ay malaki ang savings, malaki ang bawas dun sa presyuhan at kaya naman ay sinimulan namin ito nung Pasko, may Kadiwa ng Pasko, tapos sabi ng tao eh gusto naman natin ang Kadiwa bakit ninyo titigil pagkatapos mag Pasko, eh di pinagpatuloy namin hanggat naging Kadiwa ng Pangulo,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ibinahagi naman ng Pangulo ang isang beses na nag-meeting sila ni DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma sa Palasyo ng Malakanyang kung saan ay binulungan siya ng Kalihim at sinabi sa kanya na “siguro naman dahil inaasahan natin at marami tayong pinapagawa sa ating mga manggagawa eh gawan naman natin ng Kadiwa para sa kanila. Eh ang sabi ko naman ay karapat dapat lang naman na gawin yun dahil umaasa tayo sa ating mga manggagawa sa pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas.”
“Kagaya ng nabanggit ng butihing congressman, ay sinabi ko talaga noon pa, kasi sa pag-aaral ko, pag nag-industrialized ang isang bansa kung minsan ay naiiwanan ang labor, kaya’t ang sinasabi ko lagi, wag nating pabayaan mangyari yun dahil napakalaki ng ating labor force , napakadami ng mahihirapan kung talaga hindi natin alagaan at bantayan ng mabuti ang kanilang kalagayan habang yumayaman ang Pilipinas. Maganda ang takbo ngayon ng ekonomiya. Palaki nang palaki na ang ekonomiya natin. Naipagmamalaki natin na ang performance dito sa Pilipinas ay siguro katumbas na, kundi mas maganda pa sa mga ibat ibang bansa,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Kaya’t titingnan po natin na hindi naman kung ilan lang sa ating lipunan ang yumayaman at gumaganda ang buhay kundi lahat po hanggang sa labor, hangagng sa lahat , sa ating mga magsasaka, lahat po ng sektor ng ekonomiya ay kelangan natin tiyakin na sila ay nakakaramdam din nung pagpapaganda ng ating ekonomiya.”
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang lahat partikular na ang LGU dahil hindi aniya magagagawa ang Kadiwa kung hindi kasama ang LGU.
Pinasalamatan din ng Punong Ehekutibo ang Department of Agriculture, DTI at Department of Labor and Employment dahil ang mga ito ang nagbigay ng inisyatiba para sa Kadiwa ng Manggagawa .
“Kaya’t maraming salamat sa lahat sa inyo na nandito na nakilahok hindi lamang yung mga namimili kung hindi pati na ang ating mga nagbebenta ng kung anu-anong mga produkto hindi lamang ang agri products, gulay, prutas, bigas at asukal kung hindi pati na yung mga ginagwa ng mga local na MSMEs.Napakahalagi na kayo ay kasama namin dito sa Kadiwa,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, […]
-
“BARBIE” REVEALS TEASER POSTER, OPENS JULY 19 IN PH
WARNER Bros. Pictures has revealed the teaser poster of the highly awaited comedy “Barbie” from the Oscar-nominated director Greta Gerwig. In 6 months, get ready for Margot Robbie and Ryan Gosling in “Barbie” — only in cinemas July 19. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/KuoyHVe6QCU] About “Barbie” Since the […]
-
Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2
BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan. “The DOTr has received an order from the […]