PBBM, hindi kasama at hindi kailanman nakasama sa drug watch list- PDEA
- Published on January 30, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” ayon sa kalatas ng PDEA.
Hayagang sinasalungat ang pahayag ng dating Pangulo na ipinakita nila rito ang pangalan ni Marcos Jr. sa sinasabing drug list.
Ayon kay Duterte ang di umano’y ebidensiya ay ipinakita sa kanya noong siya ay Mayor pa lamang ng Davao.
Base sa records, binuhay ang PDEA noong Hulyo 30, 2002 nang itatag nito ang National Drug Information System (NDIS), nagsilbi bilang intelligence database ng lahat ng drug personalities na responsable sa pangangalap ng inputs mula sa law enforcement at intelligence counterparts.
Binigyang diin ng PDEA na hindi kailanman nakasama ang pangalan ni Pangulong Marcos sa NDIS simula nang matatag ito noong 2002 at hanggang sa kasalukuyan, binigyang-diin din na hindi kasama ang Pangulo (Marcos) sa listahan nito sa mga drug personalities kahit pa noong panahon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“It is worthwhile to note that, when the former President took over in 2016, his administration came out with a list, which was then initially called the ‘narco-list, sometimes referred to as the Duterte list, and upon continuing validation and re-validation, it became the Inter-Agency Drug Information Database, or IDI,” ayon sa PDEA.
“The name of President Marcos is also not in the said list,” ayon sa PDEA. (Daris Jose)
-
Tiangco, nais palawakin ang tech-based programs para sa mga magsasaka
NAIS ni Navotas Representative Toby Tiangco na palawakin pa ang mga programang pang-agrikultura na pinamumunuan ng pamahalaan upang mapalakas ang produktibidad at kita ng mga magsasaka. “Embracing technology-driven farming methods is key to strengthening our agriculture sector,” ani Tiangco. “The government must prioritize equipping farmers with the necessary technology and knowledge to maximize productivity and income […]
-
Malawakang information drive sa COVID-19 vaccines, hirit sa IATF
Nanawagan kahapon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang COVID-19 vaccines. Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa […]
-
86 DAGDAG NA SKILLED WORKERS SA NAVOTAS
NADAGDAGAN pa ang mga skilled workers ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng virtual graduation ng 86 trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Sa 86, 17 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Automotive Servicing,16 ang Electrical Installation and Maintenance habang 35 trainees naman ang […]