• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang. 
Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng
Pilipinas noong panahon na iyon.
Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit sa  state dining room (“ngayon ay kuwarto kung saan ginagawa ang Cabinet meetings”) ay aksidente niyang nabuksan ang pintuan.
“Gabing-gabi na. Umuwi ako. Sinasara ko lang ‘yung pintuan mula du’n sa kwarto ko. Pagbukas ko ba naman ng pintuan, nakita ko biglang gumalaw ‘yung mga upuan,” ayon sa Pangulo.
“‘Di nagsisisigaw ako dito at tumakbo ako… Sinabi ko sa security, ‘May multo, may multo!'” dagdag na kuwento ng Pangulo.
Sa pagkakataong iyon, sumali ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at nagsabi na  “I still find that hard to believe.”
“Ay nako. It’s true,” giit ng Pangulo.
Sinabi naman sa kanya ng security staff na si “Father Brown” lamang iyon.
May pagkakataon pa aniya na ang mga security personnel ay natulog sa banig na inilatag ng mga ito sa hall habang sumasailalim sa renovation ang hall.
Nagkuwento ang mga ito tungkol kay Father Brown, sinasabing “multo” na ginising sila mula sa kanilang pagkakatulog.
Winika pa ng Pangulo na tinitingan nila ang kasaysayan ng Palasyo at totoo nga, mayroong Father Brown na nagtrabaho noong panahon ng mga Amerikano.
“At mukhang hindi na umalis,” ayon sa Pangulo.
Samantala, ibinahagi rin ng Pangulo ang kuwento ng pintuan na sinasabing kusang bumubukas-sara, ang mga chandeliers na gumagalaw kahit walang ihip ng hangin na paparating.
Naramdaman din aniya niya ang mga nakatitindig-balahibo na may naglalakad at umaakyat sa tinatawag na “formal stairs” ng Palasyo lalo na sa gabi.
Pakiramdam aniya ay may nanonood sa kanyang likuran.
“Paatras tuloy ako paakyat dahil nakakatakot. Dahil alam niyo naman kung minsan pag naglalakad ka nararamdaman mo ‘pag may nakatingin sayo o may sumusunod sayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
Other News
  • Jaja Santiago nag change nationality na

    Hindi na paglalaruin  si Jaja Santiago sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia dahil pinoproseso na niya ang kanyang Japanese citizenship, ayon kay Philippine women’s volleyball team coach Jorge Souza de Brito.   “Sa tingin ko ay hindi dahil sinimulan niya ang proseso para sa pagkamamamayan ng [Japanese]. Masama para sa amin, mabuti para sa […]

  • 1,912 new COVID cases, kabuuang 494,605 na sa PH; 40 bagong nasawi

    Halos 2,000 ang panibagong mga kaso ng COVID-19 na naitala ngayon ng Department of Health (DOH).   Ayon sa DOH nasa 1,912 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para lomobo pa ito sa 494,605 mula noong nakaraang taon.   Sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay nasa 5.2% (25,614), habang […]

  • P921 M Chinese deal ng PNR di na tuloy

    Hindi na itutuloy ng Philippine National Railway ang Chinese deal na nagkakahalaga ng P921 M para sa pagbili ng gauge diesel multiple unit (DMU) trains na gagamitin sa Bicol line.       Ayon kay PNR general manager Junn Magno, ang kontrata na ibinigay sa CRRC Zhuzhou Locomotive Co. Ltd na siyang nanalo sa naunang […]