• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi pa nagtatalaga ng BI commissioner

KAAGAD na pinabulaanan ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Atty. Abrahan Espejo Jr.,  dating dean ng  College of Law ng New Era University, bilang  bagong  BI commissioner. 

 

Giit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hanggang ngayon ay wala pa ring napipisil si Pangulong Marcos na maging bagong BI Commissioner.

 

“No appointment has yet been made to the position of Immigrations Commissioner,” ayon kay Cruz-Angeles sa isang kalatas.

 

Aniya pa, kinumpirma mismo ng kanyang tanggapan sa Presidential Management Staff (PMS), nagsasagawa ng kompletong staff work  sa mga appointments ang usaping ito,  sinasabing walang dokumento na ipinalabas para sa nasabing posisyon.

 

Sa ulat, napirmahan na di umano ni Pangulong Marcos  ang appoint letter ni Espejo  kapalit ni dating Immigration commissioner Jaime Morente.

 

Ito ay makaraang mag-leak na ang appointment letter na pirmado ng Pangulo para kay Espejo  bilang bagong pinuno ng BI.

 

Nabatid na dati ring abogado si Espejo nina dating Pangulong Joseph Estrada. Inaasahan na manunumpa na umano anumang araw si Espejo, dahil sa noon pang Hulyo 22 napirmahan ang kaniyang appointment.

 

Bago ito, unang itinalaga ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Rogelio D. Gevero Jr. bilang officer-in-charge ng BI noong Hulyo 6, hanggang sa makapaglagay ng permanenteng commissioner.

 

Malaki umano ang maitutulong sa BI ng 59-taong gulang na si Espejo na armado umano ng mga kaalaman ukol sa immigration laws at may sapat na karanasan sa pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng Duterte-China agreement sa WPS

    INIHAYAG ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na aaksyunan ng Kamara ang kahilingan ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun na imbestigahan ang alegasyon na nagkaroon ng gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at Tsina kaugnay sa West Philippine Sea.     Ayon kay Dalipe, chairman ng House Committee on Rules, […]

  • VICE, ipinasilip na ang sobrang bongga na bagong bahay

    ANG bongga ng bagong bahay ni Vice Ganda!   Ipinakita niya ito sa kanyang You Tube account. Hindi pa nakalagay ang lahat ng gamit pero base pa lang sa ilang naipasilip niya, sobrang bongga talaga.   Lilipat pa lang si Vice sa bagong bahay dahil suppos- edly, noong March ay tapos na raw sana ito, […]

  • Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon

    TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon.       Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan.       Ayon […]