• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang publiko na magpartisipa sa traffic summit

INIMBITAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na makilahok sa nalalapit na traffic summit at sumali sa talakayan sa paghahanda ng paraan para mapabuti ang sitwasyon sa trapiko.

 

 

Sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Pangulong Marcos na habang ang long-term infrastructure projects ay isinasagawa, patuloy pa ring naghahanap ang gobyerno ng paraan para mabigyan ang mga mananakay at motorista ng agarang lunas mula sa traffic congestion.

 

 

“Concerned government agencies and local government units will discuss in detail the steps to be taken that would address the perennial traffic woes,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Makilahok din kayo kahit sa comments section para malaman namin ang iba niyong mga idea at mga naiisip ninyo,” aniya pa rin.

 

 

Ang townhall meeting-style summit ay gagawin sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa kanyang six-minute vlog, sinabi ng Pangulo na ang pag-develop at pagpapabuti sa mobility sa kalapit-lalawigan ng Kalakhang Maynila gaya ng Bulacan, Pampanga, Laguna, at Cavite ay prayoridad para tugunan ang matinding problema sa trapiko.

 

 

Gayunman, humingi naman ng pang-unawa si Pangulong Marcos dahil matatagalan pa para makumpleto ang large-scale infrastructure projects.

 

 

Umapela rin ang Punong Ehekutibo sa mga mananakay at motorista na maging disiplinado at sumunod sa batas-trapiko.

 

 

“Ang higit nating kakulangang mga Pilipino sa daan ay ang disiplina. Dapat susunod tayo sa traffic rules. Para tayong mauubusan lagi ng kalye. Bago man ang kalye, kung luma pa rin ang ugali natin, eh wala rin,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang pagbibigayan sa daan ay kailangan pa nating ipaalala sa bawat isa at sa ating mga sarili. Ang Bagong Pilipino ay disiplinado, sumusunod sa batas trapiko, nagbibigay sa kapwa at higit sa lahat hindi naghahari-harian sa daan,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Gayundin, kinilala naman ng Pangulo ang benepisyo at pagiging epektibo ng flexible work arrangements na ginagamit ng pribadong sektor dito sa Pilipinas at sa ibang bansa sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

 

 

Binanggit din nito na ang paggamit ng work-from-home setup at four-day workweek scheme, ay maaaring makatulong para tugunan ang traffic situation sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • HEART, ‘di maka-move on na nalagay ang billboard ad sa Times Square, NYC

    TUWANG-TUWA na ipinagmalaki ni Heart Evangelista-Escudero ang billboard ad niya sa pamosong Times Square sa New York City.   Last Friday, January 8, nag-tweet si Heart tungkol sa bagong milestone sa kanyang buhay: “Waking up with my face in Time[s] Square NY is so surreal.”   Kinabukasan, January 9, hindi pa rin maka-move on si […]

  • Malabon LGU nakipag-ugnayan sa MCM para alisin ang mga nakatambak na basura

    BILANG bahagi ng mga hakbangin upang mapanatiling malinis at malusog ang Malabon para sa mga Malabueño, nakipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa pamunuan ng Malabon Central Market (MCM) para sa agarang pag-alis at pagtatapon ng mga nakaimbak na basura sa palengke na nagdudulot ng mabahong amoy at istorbo sa mga residente at namamalengke.     “Patuloy […]

  • 3 Pinoy sugatan matapos pinakamalakas na lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon

    UMABOT na sa tatlong Pilipino ang sugatan kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules, bagay na pumatay na sa siyam na katao at naka-injure sa mahigit 1,000 iba pa. Ito ang ibinahagi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Silvestre Bello III sa panayam ng ANC ngayong Huwebes. Ang MECO ang […]