PBBM, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang MMFF 2024
- Published on December 27, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sambayanang Filipino na tangkilikin ang mga ‘kwentong Pinoy’ bilang pagsuporta sa Metro Manila Film Festival 2024.
“Isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.
Ang panahon aniya ng Kapaskuhan ay panahon upang lalong magsama-sama at magmahalan ang bawat pamilya at ang bawat isa.
Ngayong Kapaskuhan aniya pa rin ay bibidang muli ang mga kwento ng lahing Filipino dahil ito aniya ay espesyal na selebrasyon ng ika-50 taon ng Metro Manila Film Festival na bahagi na buhay at kultura bilang Filipino.
“Ang mga magagandang pelikulang kalahok ngayon ng Golden Year ng MMFF ay siguradong magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginintuang aral,” ang winika ng Pangulo.
“Mabuhay ang pelikulang Pilipino! Happy 50 years, MMFF! At muli, Maligayang Pasko po sa inyong lahat!,” ang pagbati ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
HERE’S KRYPTO, THE SUPER-DOG IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”
MEET Krypto, the Super-Dog and Superman’s best friend in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure feature film “DC League of Super-Pets.” Here to sit, stay and save the world. Check out the featurette “Meet the Pets – Krypto the Super-Dog” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27. […]
-
Duterte bakuna ng China ang ipapaturok
Dahil mauunang dumating sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo. “Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at […]
-
Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na
INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport […]