PBBM, hinikayat na ipawalang-bisa ang free tuition law, palawigin ang voucher program
- Published on July 30, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng advocacy group na Foundation for Economic Freedom (FEF) ang administrasyong Marcos na ipawalang-bisa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalayong magbigay ng libreng tuition para sa mga state universities at colleges.
Sa isang virtual forum kung saan tinalakay ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr., Ipinanukala ni FEF president Calixto Chikiamco sa administrasyong Marcos ang ilang structural reforms kung saan maaaring malagay ang bansa sa “sustainable growth track.”
Isa na rito ang rebokasyon o pagbawi sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas noong Agosto 2017 at naging epektibo noong academic year na 2018-2019.
Naniniwala si Chikiamco na mas makabubuting magbigay ng scholarships sa mga ‘underprivileged students’ dahil na rin sa ang mga nage-enroll sa state institutions ay mula naman sa middle at upper-middle classes.
“I think we need to repeal the Free Tertiary Education Act or the Free College Tuition Law. Studies have shown that it has not been inclusive, that actually, those enrolling in state institutions are from middle class and upper-middle class,” ayon kay Chikiamco.
“I think a better system would be to give scholarships to the poor,” dagdag na pahayag nito. (Ara Romero)
-
Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B
PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima […]
-
Olympian Carlo Paalam dinalaw ang kasamahang amateur boxers sa CdeO
Naglaan ng isang simpleng pagtitipon si 2020 Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa mga boksingero ng Cagayan de Oro City Amateur Boxing Team kung saan siya nagmula. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na muling nakasama ni Paalam ang kanyang mga kapwa boksingero matapos nagwagi sa Tokyo Olympics. Ikinuwento ni Paalam ang […]
-
La Salle swak sa Final 4
NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City. Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa […]