PBBM iaangat ang ugnayan ng Pinas sa China
- Published on January 6, 2023
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalagay niya sa mas mataas na antas ang relasyon ng Pilipinas at China sa kanyang 3-day trip sa Beijing.
“I look forward to my meeting with President Xi as we work towards shifting the trajectory of our relations to a higher gear that would hopefully bring numerous prospects and abundant opportunities for the peace and development to the peoples of both our countries,” pahayag ng Pangulo bago umalis ng bansa.
Nagtungo si Marcos sa China dahil sa imbitasyon ni President Xi Jinping.
Hindi naman tinukoy ni Marcos kung igigiit niya kay Xi Jinping ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kung saan nanatili ang tensyon dahil sa patuloy na pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng China.
“The issues between our two countries are problems that do not belong between two friends such as Philippines and China. We will seek to resolve those issues to mutual benefit of our two countries,” ani Marcos.
Sa isang briefing noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ilalabas ng Pangulo ang maritime issue at magkakaroon ng “direktang linya ng komunikasyon” para sa dalawang bansa para talakayin ang mga tensyon sa West Philippine Sea.
Inaasahang lalagda ang Pilipinas ng hanggang 14 bilateral na kasunduan sa China, kabilang ang isang deal sa digital cooperation, tourism cooperation, agrikultura at imprastraktura.
Interesado rin ang China sa agrikultura ng Pilipinas, renewable energy, nickel processing, at durian, na posibleng mga paksa para sa mga kasunduan sa negosyo.
Kasama ni Marcos sa biyahe sina First Lady Liza Araneta-Marcos, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mga miyembro ng economic team at isang “sizeable” business delegation.
Ito ang unang paglalakbay ni Marcos sa ibang bansa ngayong 2023 at ika-pito mula nang maupo siya sa Malacañang noong nakaraang taon. (Daris Jose)
-
Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget
SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara. Pinayuhan ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]
-
Pamahalaang Panlalawigan, BTCVB pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival sa taong ito, nakipagtulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) sa Bulacan Tourism Convention and Visitors Board (BTCVB) at pinag-usapan ang anxiety at depression sa industriya ng turismo sa isang online learning webinar sa pamamagitan ng Zoom application […]
-
DA, naghahanda ng P164-M halaga ng tulong matapos manalasa si ‘ Julian’
NAGHANDA ang Department of Agriculture (DA) ng P164.27 milyong halaga ng agricultural inputs na ipamamahagi sa mga apektadong lugar kasunod ng matinding pananalasa ng Super Typhoon Julian. Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, kabilang sa ‘available interventions’ ay ang pre-position ng agricultural inputs gaya ng bigas, mais at vegetable […]