• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget

MAY  Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng  revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite sa Kongreso.

 

 

Sinabi ng Chief Executive, hindi awtorisado ang National Labor Relations Commission (NLRC) na gamitin ang income nito batay sa umiiral na batas.

 

 

Ang isa pang nai- Veto ng Pangulo  ay ang DepEd -Office of the Secretary  Special Provision No. 4, “Revolving Fund of DepEd TV,” na ayon sa Pangulo ay hindi rin awtorisado ang ahensiya na magkaroon ng  revolving fund para rito.

 

 

Hindi rin nakalusot ang Special Provision No. 4, para sa “Branding Campaign Program,”  ng Department of Tourism (DoT) na nagtatakdang limitahan ang functions ng Executive Branch para ipatupad ang  RA No. 9593 o ang Tourism Act of 2009.

 

 

Ang paliwanag ng Punong Ehekutibo, base sa isinasaad ng RA No. 9593, bahagi ng mandato ng DOT ay  magplano, maglatag ng programa at magsilbing “implementing and regulatory government agency” sa  promotion ng tourism industry,

 

 

Ang mga nai -vetong probisyon ay ginawa bago pa lagdaan ng Pangulo ang 2023 national budget nitong nakaraang Biyernes , Disyembre 16. (Daris Jose)

Other News
  • Donaire aminadong nayanig kay Inoue

    INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.     Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa […]

  • 3 naaktuhan nagtatarya ng shabu sa loob ng jeep sa Valenzuela

    SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagtatarya umano ng shabu sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.     Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-12:20 […]

  • PBBM, hindi dadalo sa UNGA 78 sa New York City

    HINDI dadalo si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa 78th session ng  United Nations General Assembly (UNGA) mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 26 sa New York City.    Gayunman, tiniyak ni  Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo  na  magpapartisipa ang Pilipinas sa  UNGA 78 kung saan ay pangungunahan niya ang  Filipino delegation  na dadalo sa  […]