PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon
- Published on August 19, 2022
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malawakang balasahan sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.
Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng Department of Agriculture, na ang nakaambang na reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng sugar industry ng bansa ay maaaring matapos ngayong linggo.
Layon din ng nasabing hakbang na malaman kung Ilan ang suplay ng asukal sa bansa at kung kinakailangan pa na mag-angkat nito sa panahon ngayon.
“We’ll reorganize the SRA and then we will come to an arrangement with the industrial consumers, with the planters, the millers, suppliers of the sugar to coordinate para talaga kung ano ’yung mayroon, kung ano ’yung available, mailabas na sa merkado,” ani Pangulong Marcos.
” ’Yung kulang, eh kunin na natin, kunin na natin. Mag-import na tayo. Mapipilitan talaga tayo, ” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
2 binata timbog sa 3 kilong marijuana sa Caloocan
Dalawang hinihinalang drug pushers ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jerich Frane Hernadez, 19, at Lloyd Paloyo, 21, kapwa ng Brgy. Buting, Pasig City. […]
-
Ads August 25, 2023
-
Social media page ng Phil. Coast Guard pinasok ng hackers
NAPASOK ng hackers ang Facebook page ng Philippine Coast Guard. Sinabi ni PCG spokesperson Coast Guard Rear Admiral Armand Balilo, naganap ang hacking nitong gabi ng Lunes. Napansin nila ito ng may dalawang malisyosong video ang naipost sa kaniang Facebook page. Sinubukang tanggalin ng kanilang Coast Guard Public Affairs […]