Virtual 10th anniv concert ni Alden, wala ng urungan sa December
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
PUWEDENG alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko- contest na isa nga siya sa pinaka- in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.
Noong October 10 na lang, al- though hindi naman personal na nakarating, through his video ay nagpasalamat si Alden sa panalo niya bilang “Pinakapasadong Aktor” para sa naging performance niya sa 2019 blockbuster film Hello, Love, Goodbye.
Aniya, “Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Here’s to more projects po and more experiences to come para sa ating lahat.”
Ang Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) ay grupo ng mga film educators sa bansa na nagbibigay ng parangal sa mga artists, directors, films, TV shows, and music na may positibong nai-contribute sa social studies, language, arts, and humanities.
At sa gitna nga ng pandemic, tuloy-tuloy lang si Alden kanyang mga TV projects kabilang na ang All-Out Sundays at Eat Bulaga! as well as several endorsements. Katatapos lang din niya ang I Can See You with Jasmine Curtis- Smith. At ang inaabangan na ng mga fan niya, ang pagdiriwang pa rin ni Alden ng kanyang 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng kanyang virtual concert na Alden’s Reality ngayong December 8. (ROSE GARCIA)
-
ALDEN, nangako na magiging one of a kind experience ang docu-concert na ‘ForwARd’
NANGAKO si Alden Richards na one of a kind experience ang mystery project niya na ForwARd. Sa kanyang Instagram account, pinost ni Alden ang poster ng ForwARd, na isang documentary concert na mula sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril. The documentary concert is set to air January 30, 2022, at 8 […]
-
Online Scam, nangunguna sa mga naitala ng PNP na cybercrime cases sa kabuuan ng 2023
NANGUNGUNA ang Online Scams sa top 10 cybercrime cases na naitatala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ito ay batay sa datus ng naturang police unit mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon. Ayon kay PNP-ACG Director PBGen Sydney Sultan Hernia, patuloy ang pagtaas ng kaso na kanilang naitatala ukol sa ibat […]
-
NLEX pinalawig pa ang kontrata nina Alas at Ravena
Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas. Sa kaniyang social media, ipinarating ng NLEX star guard ang kaniyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa koponan. Tiniyak nito sa koponan na kaniyang gagawin ang makakakaya para mangibabaw ang kanilang koponan. Taong 2017 ng […]