• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ikinatuwa ang naging pasiya ng MANIBELA at PISTON na tapusin na ang kanilang tigil- pasada

LABIS  na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at  hindi na  paaabutin pa ito ng isang linggo.

 

 

Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong masaya ang gobyerno sa naging pasiyang MANIBELA at PISTON kasunod ng ginanap na pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Magkakaharap sa nasabing pulong sina PCO Secretary  Cheloy Garafil,  Undersecretary Roy Cervantes ng Office of the Executive Secretary. PISTON President Mody Florada at Manibela Transport Group Chairman Mar Valbuena.

 

 

Sinabi ng PCO, binigyan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang DOTr at LTFRB  na pag- aralan ang mga probisyon ng Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines.

 

 

Ito ay  para masiguro na maisaalang-alang ang bawat aspeto sa  pagpapatupad ng jeepney modernization habang gusto rin naman aniya ng Chief Executive na  mapakinggan ang mga hinaing ng mga driver at operator.

 

 

Bukod Dito ay inatasan din ng Punong Ehekutibo ang  DOTr at ang LTFRB ng  magsagawa ng malalim at malawakang konsultasyon para sa implementasyon ng Public utility modernization program na dito ay dapat aniyang pare- parehong makabenepisyo ang mga driver, operator lalong lalo na ang  mga mananakay.

 

 

“Sa huli, iisa lamang ang layunin ng gobyerno at ng ating sektor ng pampublikong transportasyon—ang magbigay ng maayos, maginhawa, ligtas, at episyenteng serbisyo sa bawat pasahero,” ayon kay Garafil. (Daris Jose)

Other News
  • Viral online seller na si Madam INUTZ, in-spoofs ni POKWANG; Kuya WIL II, nilatag ang plano tulad ng single at album

    TULUYAN nang pumirma ng kontrata si Daisy Lopez na mas makilalang Madam Inutz kayformer Mr. Gay World titlist Wilbert Tolentino, na sikat din na businessman, social media infuencer at philanthropist.   Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa pagpirma ng kontrata ay kasama nila si Atty. Bertini Causing. […]

  • SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

    TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.     Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.     Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang […]

  • DOTr: 143 social tourist port ang nakumpleto

    May 143 na social at tourism port projects ang natapos ng gawin ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng benipisyo sa mga coastal communities, mangingisda at turista sa buong bansa.     Ang nasabing proyekto ay isa sa mga highlights ng administasyong Duterte na naglalayon na magbibigay ng equitable growth at development sa bansa […]