• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ilalagay sa tamang lugar ang ‘structural changes’ sa DA bago bumaba bilang Kalihim

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na  ilalagay muna niya sa tamang lugar ang “structural changes” sa Department of Agriculture (DA) bago pa bumaba bilang Kalihim ng departamento.

 

 

Ito’y upang matiyak ang food security sa bansa.

 

 

Sa isang panayam matapos ang formal turnover ceremony, idinaos sa Valenzuela City, ng 20,000 metriko tonelada ng urea fertilizers na dinonate ng Chinese government sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na simula nang maupo siya bilang Kalihim ng DA, nakagawa at nakapaglagay na siya ng ilang substantial changes para tugunan ang mga isyu sa sektor ng agrikultura.

 

 

“You know, the truth of the matter is…we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So iniisa-isa natin ‘yan. The problem had been during the beginning of this year ay naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat fertilizer prices, et cetera. Kaya napakalaking bagay nitong donation na binigay sa atin ng China,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Ayon sa Chief Executive, iniisip na niya ang agriculture department na magkaroon ng episyente o mabisang sistema para masiguro ang food security bago bumaba sa puwesto bilang Kalihim ng departamento.

 

 

“Kaya’t ang aking hangarin para sa DA ay pag iniwanan ko ang DA by that time, we will have systems in place so that we can guarantee the food supply of the Philippines, number 1; we can guarantee that the prices are affordable; and, number 3, that our farmers make a good living,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“Hangga’t matapos natin ‘yun, I suppose you will just have to put up with me as DA Secretary,”dagdag na wika nito.

 

 

Bilang kasalukuyang Kalihim ng DA, inilagay na niya sa tamang lugar ang emergency measures para suportahan at tulungan ang mga magsasaka.

 

 

“Ngayon, more or less, the prices of the agricultural commodities are beginning to stabilize. Now, we are going to make the structural changes that are important to increase production, number 1; to ensure the food supply of the Philippines, not only rice, but also corn, also fisheries, and livestock,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So ‘yan ang ating mga ginagawa ngayon para naman hindi na tayo umabot sa krisis na sitwasyon kagaya ng nadatnan natin after the pandemic,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Giannis nagbuhos ng 50-pts. sa pagkampeon ng Bucks after 50-yrs.

    Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.     Nagtapos ang serye sa 4-2.     Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks […]

  • 28 jeepney routes muling binuksan

    MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.   Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]

  • Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez

    BINAGO  ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana.     Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina.     Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang […]