PBBM, imbitado sa WEF sa Switzerland sa Enero 2023
- Published on November 15, 2022
- by @peoplesbalita
INIMBITAHAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero 2023.
Ang imbitasyon ay ipinarating kay Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, araw ng Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of the Press Secretary (OPS).
“World Economic Forum founder and executive chairman Klaus Schwab today invited President Ferdinand R. Marcos Jr. to the WEF in Davos, Switzerland on Jan. 16 to 20, 2023. Schwab made the invitation in a breakfast meeting with President Marcos,” ayon kay Garafil sa isang kalatas.
Pinuri ni Schwab si Pangulong Marcos para sa tila malakas na Philippine economy sa kabila ng nananaig na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic at global challenges.
Sinabihan nito si Pangulong Marcos na dumalo sa WEF at hinikayat ang mas maraming business leaders na mamuhunan sa bansa.
“Schwab told Marcos his attendance to the WEF serves as a good opportunity to let the global business community know about the dynamism and positive developments happening in the Philippines in a bid to attract more investors,” ang wika ni Garafil. (Daris Jose)
-
Ads May 26, 2023
-
Panukalang pagbibigay ng P1M cash gift sa Pinoy centenarians, oks sa Kamara
MAGANDANG balita sa mga Filipino centenarians na umabot sa idad na 101 taong gulang dahil mabibiyayaan sila ng cash gifts bilang pagbibigay karangalan at suporta sa kanila. Sa botong 257, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7535 na nagsusulong na mabigyan ng P1 million ang mga Pinoy na umabot sa idad na 101 […]
-
LTO, PNP pumirma ng data-sharing agreement para sa mabisang pag-iwas at paglabas sa krimen
PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa pagpapatupad ng batas matapos lagdaan ang isang kasunduan sa data-sharing na magbibigay-daan sa mga imbestigador ng pulisya na magkaroon ng access sa mga record ng mga sasakyan, partikular na ang mga ginagamit sa kriminal na aktibidad. Ayon kay […]