• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM inaprubahan ang July 29 na pagbubukas ng klase

BILANG tugon sa mga alalahanin ng publiko ukol sa iskedyul ng mga klase, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na simulan na ang pagpapanumbalik sa school calendar ng bansa sa ‘traditional arrangement.’

 

 

Dahil dito ang pagbubukas ng klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.

 

 

Sisimulan na nito ang unti-unting pagbabalik ng school year sa Hunyo ng bawat taon at magtatapos naman sa buwan ng Marso ng susunod na taon.

 

 

Nauna rito nagpulong sa Palasyo ng Malakanyang sina Pangulong Marcos at Vice President at Education Secretary Sara Duterte para talakayin ang dalawang opsyon para sa implementasyon ng School Year (SY) 2024-2025 calendar bilang paghahanda sa pagbabago sa lumang ‘June to March school calendar.’

 

 

Sa kabilang dako, sa sectoral meeting kay VP Sara sinabi ng Pangulo sa DepEd na simulan na ang pagbabago ng standard school calendar days sa pamamagitan ng SY 2024 hanggang 2025.

 

 

Inilatag naman ni VP Sara ang dalawang opsyon sa Pangulo para sa sinasabing school calendar shift.

 

 

Ang unang opsyon ay binubuo ng 180 school days na mayroong 15 in-person Saturday classes habang ng pangalawang opsyon naman ay magkaroon ng 165 school days subalit wala ng in-person Saturday classes.  Kapwa naman, ang dalawang opsyon ay magtatapos ang school year sa Marso 31, 2025.

 

 

Iyon nga lamang sinabi ng Pangulo na ang 165-day school calendar ay “too short” at mababawasan sa nasabing arrangement  ang bilang ng school days at contact time na maaaring makompromosio ang kalalabasan o resulta ng pag-aaral.

 

 

Ayaw din ng Pangulo na magpunta pa ang mga estudyante sa eskuwelahan kapag araw ng Sabado para makumpleto ang 180-day school calendar dahil “it will jeopardize their well-being and demand more resources.”

 

 

Bilang isang kompromiso, sinabi ng Pangulo na sa halip na matapos sa Marso 31, 2025, dapat na lamang na I-adjust ng DepEd SY ang pagtatapos sa Abril 15, 2025 upang makayanan ng mga estudyante na makompleto ang 180 days na hindi na gagamitin pa ang araw ng mga Sabado para pumunta sa eskuwelahan.

 

 

“Habaan lang natin ‘yung school days. Para matagal, dagdagan na lang natin ‘yung school days basta huwag natin gagalawin ‘yung Saturday . So, school day will remain the same. Standard lang,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay VP Sara sa naturang pagpupulong.

 

 

Sinabi naman ni VP Sara na nakonsulta na nila ang mga guro , school officials, at magulang pagdating sa panukalang school calendar. (Daris Jose)

Other News
  • Viral online seller na si Madam INUTZ, in-spoofs ni POKWANG; Kuya WIL II, nilatag ang plano tulad ng single at album

    TULUYAN nang pumirma ng kontrata si Daisy Lopez na mas makilalang Madam Inutz kayformer Mr. Gay World titlist Wilbert Tolentino, na sikat din na businessman, social media infuencer at philanthropist.   Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa pagpirma ng kontrata ay kasama nila si Atty. Bertini Causing. […]

  • FIST ACT pirmado na ni PDu30

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya. […]

  • DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP

    IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28.     Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino […]