• October 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inaprubahan ang P27.92-B project para sa ‘resilient at responsive’ healthcare system

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang flagship program na muling magtayo ng ‘resilient at responsive’ healthcare system ng Department of Health’s (DOH).

 

Ang programa ng Pilipinas, tinawag na Health System Resilience Project, Phase 1, naglalayon na gawing mahusay ang ‘health emergency prevention, preparedness, and response’ sa mga vulnerable areas sa bansa.

 

Bilang chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sinabi ni Pangulong Marcos na P27.921-billion project ang magsisilbi bilang isang “application of lessons learned during the pandemic.”

 

 

“Maganda ito kasi specific to the Philippines. It’s not a general … (it is) specific even to the area,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Health Secretary Teodoro Herbosa na pinresenta ang proyekto sa NEDA Board Meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Nakatuon ang programa tungo sa pagtatayo ng kaaya-ayang ‘environment, project management, monitoring and evaluation, at Contingency Emergency Response Component (CERC).’

 

 

Gayundin, ipa-prayoridad nito ang mga lugar sa bansa na may mahinang access sa healthcare.

 

Samantala, tinukoy na ng health department ang 17 lalawigan para sa pilot run nito. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil palaging nakatuon kay Baby Bean: ANGELICA, nag-emote dahil ‘di madalas kamustahin ng mga dumadalaw

    MAY emote pala ang actress na si Angelica Panganiban.  Although, hindi naman niya tinukoy sa kanyang Instagram stories kung sino o kung kaibigan ba o kapamilya ang tila pinaparinggan niya. Tila naghahanap si Angelica ng “dalaw” pero yung dalaw na siya talaga ang pinunta, hindi raw para makita lang ang anak nila ni Gregg Homan […]

  • Liza, puwedeng kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider

    PUWEDENG kasuhan ng Cyberbully ang empleyado ng isang internet provider na si Mellisa Olaes dahil sa komentong ‘sarap ipa-rape’ si Liza Soberano.   Nakipag-usap na sa kanyang abogado ang aktres kasama ang manager niyang si Ogie Diaz.   Bukod dito ay posible ring at stake ang trabaho ni Mellisa bilang head ng sales department ng […]

  • Anthony Joshua pinabagsak ni Dubois sa Heavyweight match

    PINABAGSAK ni Daneil Dubois sa loob ng ikalimang round ang kapwa British boxer na si Anthony Joshua.     Dahil dito ay pinatunayan ni Dubois na hindi siya maituturing na accidental heavyweight boxer sa laban na ginanap sa Wembley Stadium.     Noong nakaraang tatlong buwan kasi ay nakuha nito ang IBF belt na binakante […]