• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM inatasan ang kaniyang economic team tugunan ang ‘red tape’ sa gobyerno

INATASAN  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang economic team na tugunan ang red tape sa pamahalaan.

 

 

Sinabi ng Pangulo na imbes na red tape, dapat na bigyan ng red carpet ang mga nais mamuhunan sa bansa maging foreign o local investors ang mga ito.

 

 

Inihayag ng Presidente na magiging trabaho din ng economic team ang palakasin ang incentives para sa mga negosyante partikular ang pagtataguyod sa ease of doing business.

 

 

Ipinunto ng chief executive na hindi tama na pahirapan ang mga negosyante sa paraang patawan ang mga ito ng mabibigat na pagbabayad ng buwis.

 

 

Tinukoy din ng Pangulo ang paglikha ng maraming trabaho,pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kita at mang engganyo ng investors at iba pa.

 

 

Kaninang umaga pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng petrochemical manufacturing sa Batangas. (Daris Jose)

Other News
  • Sparring partner pinaluhod ni Pacquiao sa ginawang sparring session

    Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.     Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.   Dagdag pa […]

  • PDu30, balik-Davao pagkatapos ng termino sa June 2022

    PLANONG bumalik ng Davao si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa oras na natapos na niya ang kanyang termino sa Hunyo 2022.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay tugon sa ulat na di umano’y pilit na pinalulutang ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ideya na tatakbo bilang vice president […]

  • NAVOTAS KINILALA NG DILG SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

    KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa problema ng iligal na droga kung saan nakapagtala ito 95% sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit na siyang pinakamataas sa NCR.     Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey […]