• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM inatasan ang legal experts na pag-aralan ang usaping clemency kay Veloso

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maaga pa para pag-usapan ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso.

 

 

Sa isang panayam sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malayo pa ang usaping ito sa ngayon, dahil nasa preliminary stage pa lamang ang pagdating ni Veloso sa bansa.

 

 

Ayon sa pangulo, batid naman nila ang hiling ng pamilya ni Veloso para sa kanyang clemency, subalit maiging mapag-aralan muna nang husto ng legal experts ang sitwasyon ngayon ni veloso para malaman kung nararapat ito.

 

 

Sinabi ng Pangulo na wala namang kondisyon na ibinigay ang gobyerno ng indonesia at ipinauubaya na sa pamahalaan ang pagpapasya.

 

Gayunpaman, hayaan muna aniyang mabusisi ng mga experto ang sitwasyon ngayon ni Veloso.

 

 

Si Veloso ay dumating kahapon ng umaga sa bansa mula sa Indonesia at idiniretso sa Womens Correctional sa Mandaluyong City kung saan siya mananatili.

 

 

“ Hanggang ngayon, malayo pa tayo dun. We still have to have a look at what really her status is and of course we are aware of the request for clemency of her representative and of course her family. And we will leave it to the legal judgment, the judgment of our legal experts to determine whether the provision of clemency is appropriate. So we will have to look at the. Wala namang condition na binigay ang Indonesia so it’s really up to us. But we’re still at a very preliminary stage of her pag-uwi,” pahayag ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • AJ, umaming nagpa-enhance ng kanyang boobs at plano nang ipatanggal

    SA virtual media conference ng latest Vivamax Original movie na Crush Kong Curly, may ipinagtapat ang Pandemic Star na si AJ Raval na nagpa-breast enhancement siya last year.     May nag-suggest daw sa kanya na magpalaki ng boobs at dahil na-excite siya ay nagpa-breast implants siya na ngayon ay pinagsisisihan na niya.     Kuwento […]

  • Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

    Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.   Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.   Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]

  • Super League MVP: Alyssa Solomon ng National University

    Tinanghal si Alyssa Solomon bilang unang Shakey’s Super League MVP na tumapos sa perpektong title run ng National University noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.   Itinaas ni Solomon ang MVP trophy sa harap ng maraming tao matapos pangunahan ang Lady Bulldogs sweep ng De La Salle Lady Spikers, 25-23, 25-20, 25-20, sa winner-take-all final. […]