• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, iniabot ang mahigit sa P50-M CALAMITY AID sa CATANDUANES PROVINCIAL GOV’T

INIABOT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mahigit sa P50 million sa provincial government ng Catanduanes para sa agarang pagbawi mula sa epekto ng Super Typhoon Pepito.

 

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para sa agarang probisyon ng ‘relief goods, shelter assistance, at restorasyon ng komunikasyon at power systems na nilumpo ng bagyong Pepito.

 

Sa pagdating sa Catanduanes, ang Pangulo kasama si Governor Joseph Cua ay kaagad na nagsagawa ng aerial inspection sa lawak ng pinsala na dala ng bagyo.

 

Sa kanyang naging talumpati matapos ang isinagawang inspeksyon, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga biktima na mag-report ng kanilang mga hinaing sa kani-kanilang local government units.

 

Tiniyak naman ng Pangulo na gagawin lahat ng pamahalaan ang makakaya nito para matugunan ang kanilang pangangailangan.

 

“Kung mayroon talagang problema at mayroon kayong pangangailangan, sabihan ninyo ang local government ninyo, sabihan ninyo ang ahensya ng gobyerno, at gagawin namin ang lahat upang kung anuman ‘yung problema na ‘yun ay nabibigyan natin ng solusyon,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang ako, sinaksihan naman Pangulo ang pamamahagi ng family food packs na nagkakahalaga ng P633,000 at cash aid na P2.5 million mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

May 1,000 family food packs ang ipinamahagi naman ng DSWD sa mga typhoon survivor mula sa ilang barangay sa Virac. Karagdagan ito sa P5,000 cash relief assistance na ipinamahagi ng DSWD sa 500 pamilya.

 

Tinatayang 11 mula sa 16 munisipalidad ng Catanduanes ang matinding naapektuhan ng Pepito. Naiulat ang pagkawasak ng mga bahay, government buildings, eskuwelahan at iba pang imprastraktura.

 

May iba’t ibang ahensiya naman ang kasalukuyang inaayos ang pag- assess sa pinsala, nagbigay ng tulong, ginawang madaanan ang mga lansagan, at pagpapabalik sa suplay ng kuryente at komunikasyon matapos ang pananalasa ng bagyo.

 

Samantala, pinangunahan naman ng Pangulo ang situation briefing kasama ang lokal na pamahalaan at ilang kinauukulang ahensiya hinggil sa lawak ng pinsala dahil kay Pepito. (Daris Jose)

Other News
  • Sara-Gibo tandem sa 2022 lumutang

    Lumutang ang posibleng tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa May 2022 national elections matapos lumipad kahapon patungong Davao City ang huli at makipagkita sa presidential daughter.     Ito’y sa gitna na rin ng ugong ng balak na pagtakbo umano ni Sara sa presidential race.   […]

  • Sa unang araw na pag-ere sa GMA: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, pumalo agad sa mataas na rating

    FEW days ago ay isinulat na namin although blind item ang sinasabing nagdadalang-tao na raw ang maganda at magaling na aktres at kapatid ni Cong Arjo Atayde na si Ria Atayde.   Hindi naman denenay at hindi rin naman inamin ng kampo ng mga Atayde.   Pero kalat na kalat na raw ang naturang isyu […]

  • Mag-ina binaril sa ulo ng jail officer bago nagpakamatay din

    NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga niyang anak matapos barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril din sa sarili sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.     Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Lanie” at ang jail officer na si alyas […]