PBBM, ipinag-utos ang mabilis na rehabilitasyon ng Marawi
- Published on October 2, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) na i- fast-track ang rehabilitation efforts nito partikular na sa ‘kuryente, tubig at pabahay’ sa Marawi City.
Sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na makahanap ng maayos na paraan ang pamahalaan para mapabilis ang rehabilitasyon ng lungsod.
“You seem to have solutions to most of the issues. ‘Yun na lang, ‘yung installation of the power, and I think, more importantly, ‘yung tubig. We have to get that done as quickly as possible,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ibinigay ng Pangulo ang kautusan nito kay OPAMR Secretary Nasser Pangandaman Sr., na nag-brief sa Chief Executive ukol sa Marawi rehabilitation projects ng ahensiya lalo na ang tutukan ang elektrisidad, tubig at pabahay.
“Wala tayong magagawa ‘pag walang water supply. ‘Yung brownout, you can live with it. ‘Yung walang tubig, hindi talaga,” ayon kay Pangulong Marcos.
Para naman kay Pangandaman, ipinaliwanag nito ang pagka-antala ng implementasyon ng Bulk Water Supply Project ng Local Water Utilities Administration (LWUA) dahil sa ‘legal challenges.’
“The issue is already being addressed by the government. LWUA has committed to finish the project within four months, or before the end of 2024,” ayon sa Kalihim.
Binigyang diin naman ng Pangulo ang pangangailangan ng agarang pagtugon sa mga usapin hinggil sa tirahan ng mga residente na apektado ng Marawi siege.
Sa kabilang dako, mayroon namang naging kasunduan ang nakalipas na administrasyon sa ilang pribadong landowners na pansamantalang gamitin ang kanilang property sa loob ng limang taon, habang nakabinbin ang konstruksyon o pagtatayo ng permanent shelters para sa mga Marawi siege victims.
“But the contract has already lapsed,” ang sinabi ni Pangandaman.
Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos kay Pangandaman na hilingin sa private landowners kung maaari nitong i-extend ang kontrata para i-accommodate ang mga biktima.
Ang naging tugon ni Pangandaman ay “they would work closely with the local government unit (LGU).”
Sinabi ng Pangulo na ito ang tamang panahon para sa administrasyon na i-adopt ang mas systematic approach sa Marawi rehabilitation efforts, kasunod ng pagpapalabas ng Administrative Order 14, series of 2023.
“The AO institutionalized the recovery, reconstruction and rehabilitation efforts in Marawi City and streamlining of the functions of implementing government agencies involved,” ayon sa ulat.
(Daris Jose)
-
Ads August 18, 2023
-
‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko
PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season. Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantala ang mga may pakana sa online modus. Kaugnay nito, […]
-
DILG nagbabala sa LGUs vs scam sa paglalabas ng pondo
Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) laban sa scammers na nagpapakilalang DILG officials upang makapangulimbat ng pera. Sa press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na may mga grupong humihingi ng pera sa mga lokal na opisyal at ipinadedeposit sa kanilang account. […]