• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor sa presyo ng bigas

NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na hahabulin ng pamahalaan ang  mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season  sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong President Marcos na may sapat na suplay ng bigas dahil na rin sa pagtutulungan ng administrasyon at pribadong sektor para bigyang katuwiran ang presyo at availability ng ‘affordable rice’ sa mga pamilihan at Kadiwa stores.

 

 

“Rice supply is sufficient. Prices are, however very variable. The government is working with the private sector to rationalize the prices and make available affordable rice in the market and in Kadiwa,” ayon sa PCO kung saan sinabi ang inihayag ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, iniulat ng Department of Agriculture na ang mga retailers ay nagbebenta ng bigas sa iba’t ibang ‘price points’ kung saan may ilan ang nagbebenta ng P38-P40 kada kilo bilang pinakamura  habang may ilan naman ang nagbebenta ng mas pinakamurang iba’t ibang  bigas sa halagang P50 kada  kilo.

 

 

Bilang resulta, sinabi ng PCO  na ipinag-utos ng Pangulo sa  DA at Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit na i-monitor  ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan sa bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • Nalungkot dahil sa USA magka-college si MIEL: SHARON, pinagpi-pray na matagpuan na ni KC ang ‘true love’

    PATULOY pa rin si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang advocacy na tumulong sa mga nangangailangan.     Kaya naka-set na siya to appear on the cover of a new fashion bookazine (book magazine), for the benefit of visually-impaired children under the care of charities he is supporting.     Kasama rito ni Alden […]

  • Kiefer out na sa SEA Games

    ANG  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang huling pagkakataon na nasilayan si Kiefer Ravena suot ang Gilas Pilipinas jersey sa SEA Games.     Ito ay matapos magdesisyon si Ravena na ito na ang kanyang huling SEA Games matapos ang anim na edisyong paglalaro nito sa biennial meet.     Inihayag nito ang […]

  • NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP

    PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng  madaling araw.   Hindi na umabot ng buhay sa  Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP […]