PBBM, ipinag-utos ang pagpapaliban sa dagdag pasahe sa LRT-1, LRT-2
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation’s (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay.
Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo at masusing pag-aaralan ang economic repercussions ng pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero sa tatlong major rail lines.
“In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers of our three rail lines in Metro Manila,” ani Bautista sabay sabing ang dagdag-pasahe para sa MRT-3 ay ipinagpaliban din dahil sa “infirmities in complying with the requirements and procedure.”
Tinuran pa ng Kalihim na inendorso ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr ang report na pumapabor sa fare increase para sa LRT lines 1 at 2.
Sinabi pa ni Bautista na ang RRU ay mayroong kapangyarihan na tanggihan o aprubahan ang panukalang fare adjustments.
Matatandaang, ang huling inaprubahang fare hike para sa rail lines LRT-2 at MRT-3 ay noong 2015.
Sa kabilang dako, ang LRT-1, na isinapribado noong 2015, naghain ng petisyon para sa fare adjustments noong 2016, 2018, 2020, at 2022, ang lahat ng ito ayon kay Bautista ay ipinagpaliban.
“The Light Rail Manila Corporation, which operates LRT-1, is allowed to apply for fare adjustments “of at least 10.25% every two years after the effectivity of the contract,” ani Bautista.
Aniya pa, ang proceeds o malilikom sa pagtaas ng pamasahe ay gagamitin para sa technical capability, services at facilities ng dalawang rail lines.
“The fare increase will enable the two rail lines’ [LRT-1 and LRT-2] to improve their services, facilities and technical capabilities,” ani Bautista.
“The fare adjustment will help sustain the two commuter rail lines’ affordable mass transport services.” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis
WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing. “I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH […]
-
Listahan inilabas ng Malakanyang: PBBM sa publiko, planuhin ng maayos ang 2024 long weekends
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa publiko na planuhin mabuti at maagang ayusin ang inilabas ng Malakanyang na ‘long weekends’ para ngayong taon ng 2024. “Lubusin natin ang mga long weekend ngayong 2024 kasama ang ating pamilya at mga mahal sa buhay!” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang post sa Instagram. […]
-
BAGONG PAMBARANGAY TV PROGRAM, ILULUNSAD
ISANG bagong TV program tungkol sa barangay ang sisimulang ipalabas sa Hunyo 15 sa IBC 13. Ang “Bagong Barangay ng Mamamayan in Action” ay mapapanood tuwing Huwebes, simula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at sina Cong. Rodante Marcoleta at Dept. of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Felicito “Chito” Valmocina ang magiging host. Ang programa […]