PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL
- Published on July 29, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan.
Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, sinabi ni Tanay Mayor Lito Tanjuatco na may 3,000 pamilya sa Sta. Ines ang ‘isolated’ at hanggang sa ngayon ay hindi pa nakatatangap ng tulong.
Ani Tanjuatco, ang lansangan patungo sa Sta. Ines ay hindi madaanan dahil sa landslides, dahilan para maging problema ang ‘relief operations’ para sa mga lokal na opisyal at kapakanan ng ahensiya.
“All of the things that we always bring. Medicines, tubig… malinis na tubig. Basta all of those things and then medicines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“There’s no way to do it except to find a way to para maging passable kahit na alam mo na hindi naman umuulan pa, kahit na ano muna. Parang — kahit hindi na muna sementuhin, ‘di ba.
Madaanan lang. Pero huwag nating iiwanan ganun. Kailangan at some point mabalikan namin para ayusin talaga,” ang sinabi ng Pangulo kasabay ng pagbibigay atas kina Public Works and Highways Secretary Manny Bonoan at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr.
Ang suhestiyon naman ng mga lokal na opisyal ng Rizal ay magsagawa ng relief airdrop operations bilang pansamantalang solusyon hanggang sa madaanan na ang lansangan. Sinabi pa ng mga ito na habang tumatagal para madaanan ang lansangan, mas malaking bilang ng goods ang dapat na dalhin.
Sinabi ng Pangulo na dapat na magtulungan sina Bonoan at Abalos kasama ang Office of Civil Defense para dalhin ang relief goods, medisina at iba pang kailangan para sa mga pamilya sa Sta. Ines sa lalong madaling panahon.
Winika naman ni Rizal Gov. Nina Ynares na mula sa 14 na bayan, tatlo sa lalawigan ang matinding hinagupit ng weather disturbances, ito’y ang San Mateo na may 3,031 pamilyang bakwit, Montalban, 3,170; at Cainta, 2,213.
Ang San Mateo at Montalban, malapit sa Marikina River, ay dumanas din ng pagbaha.
Nakapagtala naman ang lalawigan ng dalawang kataong nasawi, 8 sugatan at isang nawawala sa panahon ng pananalasa ng bagyo. (Daris Jose)
-
PBBM, PINURI ANG MGA KASAMA SA MATAGUMPAY NA PAG-ARESTO KAY DATING CONG. TEVES SA TIMOR-LESTE
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at international partners sa matagumpay na pag-aresto kay dating congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste. Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang aksyon para ibalik si Teves sa Pilipinas upang harapin nito ang mga […]
-
Paglipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury, pinigil ng Korte Suprema
PINIGILAN ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO). Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO)ng Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bilyon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury. […]
-
Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors
TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto. Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination. Ayon kay PCSO General Manager […]