PBBM, ipinag-utos na pag-aralang mabuti ang pagsama ng TVET sa SHS curriculum
- Published on March 1, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang integrasyon o pagsama ng technical and vocational education and training (TVET) sa curriculum ng senior high school (SHS).
Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, layon na matiyak na ang mga SHS graduates ay “ready and employable for the workforce.
“President Marcos stresses the need to reskill and upskill our workers, in order to meet the demands of the current and future labor market here in the Philippines and of course globally,” ayon kay Malacañang Press Briefer Daphne Oseña-Paez sa press briefing.
“The President expressed the importance of consulting industries and government agencies, so that skills training and education are aligned with the goal of future employability. This is of course in keeping with achieving the goals of Ang Bagong Pilipinas,” dagdag na wika nito.
Sinabi naman ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Suharto Mangudadatu na ang SHS graduates ay mabibigyan ng “National Competency Skills” certification, bukod pa sa kanilang diploma, upang mabigyan sila ng mas mataas na pagkakataon na makakuha ng trabaho.
Tinuran naman ni TESDA deputy director general for Policies and Planning Rosanna Urdaneta na ang naging direktiba ng Pangulo ay magiging “more advantageous” para sa mga SHS students dahil mapapahusay nito ang kanilang ’employability.’
“Sa mga mag-aaral po, mayroon na sila diploma, may national certificate po sila na kung kakailanganin nila because nagkaroon ng problema at kakailanganin nolang magtrabaho, hindi sila makapag-college agad, mayroon po silang national certificate. They can go to a company or an industry, and they will be able to tell na may competencies po kami dito sa area na ito,” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Urdaneta na technical working group (TWG) ay lilikhain para talakayin ang “nitty gritty” ng SHS’ curriculum development.
Ang TWG ay bubuuin ng TESDA, Department of Education, Commission on Higher Education, at Department of Labor and Employment.
Magkakaroon ng pilot testing ng planong integrasyon ng TVET sa SHS curriculum.
Ang TWG ang pipili ng mga rehiyon kung saan gagawin ang pilot testing, may ilang dahilan ang kinokonsidera kabilang na ang “poverty incidence and the largeness, mediumness, and smallness of a region.”
“We have initially selected some regions pero we want to vet it with our counterparts,” Urdaneta said. “Hindi po ganun kadali ito. Kahit po kami na matagal na po sa serbisyo ng edukasyon, sinasabing hindi ito madali, pero possible. So, kailangan po talagang umpisahan na namin ngayon,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi pa rin ni Urdaneta na mayroon ding plano na muling sanayin ang mga guro upang magawa ng mga ito na ma-contextualize ang TVET programs.
Ang pagsasanay ay unang gagawin sa mga pampublikong paaralan. (Daris Jose)
-
Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste
SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy na nagdudumi sa karagatan. “For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime […]
-
Biden on Putin: ‘For God’s sake, this man cannot remain in power’
BINALAAN ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization). Sa kanyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang. […]
-
Deployment ng mga pulis dodoblehin ngayong holiday season – PNP chief
DODOBLEHIN ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga pulis ngayong holiday season. Ito’y bilang paghahanda sa posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng kriminalidad ngayong holiday season. Kaya dodoblehin ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang mga pulis na magbibigay seguridad ngayong darating na pasko at bagong taon. […]