• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos na rebisahing mabuti ang minimum wage rates

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagrerepaso o pagsusuri sa minimum wage rates sa bawat rehiyon.
Ang direktibang ito ng Pangulo ay bahagi ng kanyang naging talumpati ngayong araw, Mayo 1, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day o Araw Ng Manggagawa sa isang President event sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa kanyang Labor Day message, kinilala ni Pangulong Marcos ang napakahalagang pagsisikap ng mga manggagawang Filipino hindi lamang sa pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang pamilya kundi ang tanging ambag ng mga ito sa development o pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.
Tinuran pa ng Pangulo na ang Pilipinas ay nakatayo ”upon the sweat and toil of Filipino workers as he acknowledged the people who championed labor rights.”
“On this special day, we recognize the invaluable contributions of our hardworking men and women whose grit and resilience have paved the way for our national development,” ayon sa Pangulo.
”We also pay homage to all the people who raised their voices in the pursuit of social justice, championing the rights of workers and ensuring that their efforts are duly valued and compensated,” dagdag na wika nito.
Samantala, idineklara naman ni Pangulong Marcos ang May 1 bilang regular holiday alinsunod sa Proclamation No. 368 na may petsang October 11, 2023.  (Daris Jose)
Other News
  • Lopez, 25 iba pa babanat sa Asian taekwondofest

    PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora at 2018 Indonesia Asian Games bronze medalist Pauline Louise Lopez ang 26 na manlalaro ng Philippine Taekwondo Association Team na aalis ng bansa sa Huwebes upang sumali sa 24th Asian Taekwondo Championships sa Hunyo 14-17 sa Beirut, Lebanon.     Nabatid kay national coach Dindo […]

  • Lalaking wanted sa rape sa Ormoc, natimbog sa Caloocan

    NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.     Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, […]

  • Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

    LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.     […]