PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole
- Published on January 12, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa parole.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes.
Sa nasabing miting, binigyang halimbawa ng Pangulo ang kanyang naging karanasan bilang gobernador ng Ilocos Norte, karamihan aniya sa PDLs ay nanghihina na sa kulungan dahil hindi nila kanyang kumuha ng serbisyo ng magaling na abogado.
“Wala naman silang magaling na abugado. So that’s why we are in favor now to release many of them,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “They just needed representation to set them free. So let’s continue with that.”
Sa kabilang dako, suportado naman ni Pangulong Marcos ang plano ng DoJ na ilipat ang mga tigasing kriminal sa isang Alcatraz-type prison, kung saan ay ia-isolate ang mga ito sa general jail population at upang matigil na ang kanilang criminal activities, lalo na iyong nagagawa pa ring magkaroon ng direct operations kahit pa nakakulong.
Tinuran pa ng Pangulo na ang malaganap na korapsyon sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) ang binigyang diin niya kung bakit may pangangailangan na ilipat ang mga nasabing bilanggo sa special facilities.
“Iyan ‘yung mga ganoon we have to do that para hindi na maka-contact. Alam mo, we have to isolate them properly,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
Gilas nakatutok sa playoff stage
SESENTRO na ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa krusyal na playoff stage ng FIBA Asia Cup sa Istora Gelora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia. Wala nang puwang ang anumang kabiguan sa playoffs kung nais ng Pinoy squad na makapasok sa quarterfinal stage ng torneo. Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa playoffs ang […]
-
College graduates, hindi lang para kumita kundi para mabuhay ng matagal- Recto
SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang ‘college diploma’ ay hindi lamang isang piraso ng papel dahil maaari itong makadagdag ng pitong taon sa pag-asang mabuhay. Aniya, nakatutulong ang higher education na mapahusay ang mahabang buhay at overall well-being at karagdagan sa financial rewards nito. Sa kamakailan lamang na naging talumpati ni Recto […]
-
‘Pinaka’ sa lahat ng ginawa bilang isang aktres: PINKY, thankful na mahusay na nagampanan sina Moira at Morgana
GUMAGANAP si Pinky Amador bilang si Moira/Morgana sa top-rating series ng GMA na ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Marami na raw siyang na-portray na mabigat na papel sa buong karera niya bilang aktres, pero ito ang pinaka raw ang ginagawa niya. “Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” pahayag ni Pinky. […]