• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon

KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin  ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan.

 

 

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan  na inatasan ng Pangulo ang departamento na lutasin ag pagbaha sa isang bahagi ng  North Luzon Expressway (NLEX) bridge na kumokonekta sa dalawang lalawigan.

 

 

“Well, that’s the instruction that we got yesterday so we are now going to look for the funds actually to be able to gawin namin iyong pagtaas ng existing na tulay,” ayon kay Bonoan.

 

 

Sinabi pa nito na kinokonsidera ng Pangulo ang proyekto  bilang “urgent matter” na personal nitong dadaluhan.

 

 

Inaasahan naman na ang proyekto ay makukumpleto sa loob ng ilang buwan.

 

 

“Medyo itataas po namin ay iyong existing tulay that crosses over the NLEX ‘no but itataas lang po namin iyong tulay and then NLEX will also raise their carriage wing nila,” ayon kay Bonoan nang tanungin ukol sa consensus sa pagitan niya at ng Panulo sa kung paano reresolbahin ang pagbaha sa  NLEX.

 

 

“One of the ideas or the concepts that had been floated up during the discussion is actually (the) impounding area in the Candaba swamp,” aniya pa rin.

 

 

“There’s going to be a technical study that will be undertaken to implement the impounding area program with the objective to be a more permanent and long-lasting solution,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, tinugunan naman ni Bonoan  ang tanong hinggil sa blockage ng  waterways sa Bulacan, sinang-ayunan na dapat na panatilihin itong nakabukas at libre sa debris.

 

 

“Iyong mga ginagawa naming mga bypasses, we make sure na hindi ka talaga nakakabara ng mga waterways,” ayon kay Bonoan.

 

 

Binigyang diin naman ni Bonoan ang pangangailangan na itaas ang “carrying capacity” ng ilog sa Bulacan upang mapabilis ang daloy ng  tubig-baha  tungo sa Manila Bay.  (Daris Jose)

Other News
  • PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024

    ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa.     Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week […]

  • RABIYA, umaming si ALDEN ang gustong makatrabaho sa unang project kapag naging Kapuso na

    BALITANG pipirma na ng kontrata bilang Kapuso si Miss Universe Philippines 2020  Rabiya Mateo, pagkatapos niyang makoronahan ang mananalong Miss Universe Philippines 2021.     Sa Saturday, September 25 na sana ito pero nagkaroon ng pagbabago ang schedule ng mga activities ng beauty pageant, at sa October na raw matutuloy ang coronation night.     […]

  • Biado naghahanda na sa pagsabak sa SEA Games

    Tiniyak ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang pagsali nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam.     Matapos kasi ang panalo nito sa US Open Championship noong Setyembre 18 ay lumakas ang kumpiyansa nito para sa pagsali sa SEA Games sa 2022.     Bukod pa sa SEA Games ay isa ring pinaghahandaan nito […]