PBBM, ipinag-utos sa El Niño task force na tiyakin ang “steady water, power supply”
- Published on December 14, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa El Niño Task Force na tiyakin na magkakaroon ng “steady water at power supply” sa buong weather phenomenon.
Ibinigay ng Pangulo ang kanyang direktiba sa isang pagpupulong kasama ang mga key officials sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang.
“Mitigating the effects of El Niño remains a top priority,” ang winika ng Pangulo sa kanyang Facebook post.
“We’ve directed our Task Force to consolidate government interventions and ensure a steady supply of water and energy resources throughout El Niño next year,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Sa hiwalay na kalatas, sinabi naman ni Communications Secretary Cheloy Garafil na ipinag-utos ng Pangulo sa task force na pagsama-samahin ang lahat ng mga hakbang para pagaanin ang epekto ng of El Niño, inaasahan na magtutuloy-tuloy hanggang sa pagtatapos ng second quarter ng 2024.
Tinuran ni Garafil na nais ni Pangulong Marcos ang malawakang information campaign na makapagpapa-alala sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente.
Sa kabilang dako, ipinag-utos ng Pangulo na paigtingin ang pagsisikap at tiyakin na napapanahon ang pagpapalabas at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar.
“The President stressed the need to prioritize efforts based on short-term and long-term interventions of the government,” she said. “Marcos also told officials to encourage the public to take part in the government efforts,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Face mask sa indoor areas, boluntaryo na
BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas. Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Frasco matapos ang ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga gagawing pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor space. Sinabi ni Frasco na maglalabas […]
-
DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation
TUMATANGGAP na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng LANDBANK Link.BizPortal, isang e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng business at/o bayaran ang kanilang monetary obligations via online mode. Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo […]
-
Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang
IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available. Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang […]