PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster
- Published on November 7, 2023
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.
Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahang mabuti ang krimen at hulihin ang mga may kagagawan sa krimen.
Sa kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), mariing kinondena nito ang nangyari kay Jumalon.
“Ang ganitong walang kabihasnang pag-atake sa ating mamamahayag ay walang lugar sa isang demokratikong bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Makakaasa kayo ng aming masusing pagtutok upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pagpaslang,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, idineklarang dead-on-arrival sa Calamba District Hospital ang biktimang si Juan Jumalon, 57, mas kilala sa tawag na “DJ Johny Walker”.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang krimen dakong alas-5:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan may sariling booth sa Purok-6, Barangay Don Bernardo A. Neri, Calamba, Misamis Occidental. May programa sa radyo ang biktima na “Pa-hapyod sa Kabuntagon”.
Bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at agad itong binaril sa bibig na tumagos sa ulo. Ang pamamaril ay nakuhanan pa ng video.
Agad namang inutos ni PRO 10 Regional Director PBGen. Ricardo Layug, Jr,. ang paglalatag ng checkpoints sa bayan ng Calamba para sa agarang pagdakip sa suspek.
Lumilitaw na kinuha rin ng suspek ang kuwintas ng biktima.
Nabatid kay Layug na bumuo na rin sila ng Special Investigation task Group (SITG) na tututok sa pamamaslang kay Jumalon. (Daris Jose)
-
Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas
MAKALIPAS ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo. Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]
-
FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY
HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3 ayon sa New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec). Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol […]
-
Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon
SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo. Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS). Sinabi ni PSA chief Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril. Nagtala rin ang PSA ng 95.9 […]