PBBM, ipinag-utos sa PNP na paghusayin ang kakayahan sa komunikasyon, interoperability sa panahon ng operasyon
- Published on February 17, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na mas maging madiskarte sa pagkuha ng communications equipment para mas mapahusay pa ang interoperability nito lalo na sa panahon ng emergency at crisis situations.
Sa isinagawang unang PNP Command Conference na idinaos sa Quezon City, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na magtatag ng magandang sistema ng komunikasyon sa loob ng PNP.
“We have to be able to communicate to each other, lalung-lalo na dito sa mga disaster response. Kailangan alam natin kung ano ‘yung situation on the ground. Kailangan ‘yung nandoon na pulis, makapag-report kaagad na may nangyari, ganito yung situation, ito yung kailangan namin,” ayon sa Pangulo.
Sinabi rin ni Pangulong Marcos kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na tiyakin na may plano para sa pagpapahusay ng kakayahan sa komunikasyon nito, binanggit ng Punong Ehekutibo ang kanyang alalahanin ukol sa napaulat na low equipment capacity ng national police.
“We really need to come up with a plan to improve the communications capability of PNP. You cannot do your job without being able to communicate because mag-aantay kayo ng instructions, magre-report kayo sa central office, et cetera,” aniya pa rin.
“So that’s something that, I think, we need to look into very well, kasi ‘yung fill-up mababa masyado. Even digital radio, tactical—hindi tayo umabot ng 40 percent in any of the categories,” dagdag na wika nito.
“As of February 14″, malayo pa rin ang PNP para punan ang kahit pa papa ano ay kalahati ng requirement nito para sa communications equipment.
Nakapagtala ito ng 32.05% fill-up para sa digital radio, 33.98% para sa tactical radio at 2.48% para sa satellite phones.
Ang pagkuha ng mga equipment na ito nakaprograma sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program (CEP).
Sa ngayon ay hindi pa rin nakokompleto ng PNP ang pagbili sa 18 units ng conventional repeaters na nagkakahalaga ng P54 million at 80 units ng satellite phones na nagkakahalaga ng P6.5 million sa ilalim ng CEP 2023.
Para naman sa CEP 2024, nagpaplano ang PNP na kumuha ng 2,039 units body worn cameras, isang unit ng digital trunked radio system, karagdagang 18 units ng conventional repeaters, at 420 units ng VHF low band handheld radio, nagkakahalaga ng P585 million.
Ayon sa PNP, ang pagkuha sa ilalim ng CEP 2024 ay naantala bunsod ng mga usapin kaugnay sa Terms of Reference. Gayunman, tiniyak ng PNP na tinutugunan na ito.
Target ng PNP na makompleto ang procurement para sa CEP 2023 at 2024 sa loob ng 2024, makakapagpapataas sa fill-up rate nito na 32.07% para sa digital radio, 39.17% para sa tactical radio, at 6.03% para sa satellite radio.
Winika rin ng Pangulo sa mga opisyal ng PNP na pag-aralan ang paggamit ng iba pang communications equipment na maaaring nababagay sa lokal na situwasyon, sinabi pa ang teknolohiya sa ngayon ay nagiging mas mura at maayos.
“The advantage that we have is that technology is getting cheaper. Satellite phones are getting cheaper. All kind of communications equipment are getting and better,” ayon sa Chief Executive.
“So, tingnan ng mabuti what it is that we can do so we can provide our people with the best possible communications equipment,” dagdag na pahayag nito.
Binanggit din ng Punong Ehekutibo na ang equipment na ginagamit ng ibang police forces sa ibang bansa, inatasan ang kapulisan na tingnan kung ano pa ang maaaring I-adapt sa PIlipinas.
Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga dumalo ng opisyal na tiyakin na ang lahat ng equipment para sa komunikasyon ay standardized para masiguro ang interoperability sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Napag-usapan namin ni General Acorda yan in our sectoral meeting that our procurement must be all standardized so that the interoperability is clear,” ayon sa Pangulo.
“Kahit ‘yung pulis malipat sa ibang lugar, pareho pa rin ang gamit, pareho pa rin ang procedure, pareho pa rin ang sistema. So, I think that’s very important thing: there has to be consistency,” lahad nito. (Daris Jose)
-
Ads October 12, 2021
-
Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee
NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign. “Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for […]
-
Opensa Depensa Ni CDC
MAGBABALIK-TANAW sa isa sa naging sikat na karibalan sa Philippine basketball ang San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night. Pararangalan ang mga alamat ng sport na sina Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ng Lifetime Achievement Award sa Marso 14 gala night sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila dahil sa kanilang […]