• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024.

 

 

“Police Major General Rommel Francisco Marbil is designated as the chief, Philippine National Police effective April 1, 2024 by the direction of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.,” ang nakasaad sa appointment paper ni Marbil.

 

 

Si Marbil ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991.

 

 

Ang pagkakatalaga kay Marbil ay inanunsyo sa isinagawang change of command at retirement honors para kay Acorda sa Camp BGen Rafael T. Crame sa Quezon City.

 

 

Bago pa ang kanyang appointment bilang PNP Chief, si Marbil ay naging pinuno ng Directorate for Comptrollership at nagsilbi bilang Regional Director of the Police Regional Office 8 (PRO-8), at Director of the Highway Patrol Group (HPG), bukod sa iba pa.  (Daris Jose)

Other News
  • Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika

    SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores.     Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan […]

  • APOSTOLIC NUNCIO, BUMISITA S AMANILA CITY HALL

    BUMISITA kahapon  si  Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown  sa Manila City hall.   Sa kanilang maikling pag-usap, pinuri ni Archbishop Brown si Mayor Isko Moreno dahil sa magadang nagawa nito sa Maynila .   Nagpasalamat naman si Domagoso  sa Apostolic Nuncio  na sa tulong  ng mga kapulisan at national government ay maayos […]

  • PMA’S CLASS “BAGONG SINAG” nakuha ang papuri, pagkilala ni PBBM

    TINATAYANG pitong babaeng kadete ng male-dominated Philippine Military Academy (PMA) ang ‘nag-stand out’ sa commencement exercises ngayong taon. Dahil dito, nag-iwan ito ng pambihirang impresyon sa kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pitong babaeng kadete ay nakapasok at nakasama sa Top 10 ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 ngayong taon […]