• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, itinalaga si Richard Fadullon bilang bagong NPS chief

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si prosecutor Richard Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).

 

Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagretiro mula sa kanyang tungkulin noong Oktubre matapos ang limang taon sa serbisyo.

 

Bago pa ang kanyang appointment, si Fadullon ay nagsilbi bilang senior deputy state prosecutor para sa ilang taon.

 

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nagsilbi si Fadullon sa departamento sa loob ng 30 taon mula April 1994.

 

Sinabi ng DOJ na nakompleto ni Fadullon ang kanyang undergraduate course na AB Political Science sa UP Diliman noong 1983 at nakuha ang kanyang law degree mula San Beda College noong1987.

 

 

Samantala, nagpahayag naman ng kanyang kumpiyansa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Fadullon.

 

 

“I am extremely confident in your skill, experience, and resolve that you are the perfect fit for the title of Prosecutor General capable of upholding the rule of law with fearlessness and utmost integrity,” ang sinabi ng Kalihim. ( Daris Jose)

Other News
  • SANYA at ROCCO, reunited sa inaabangang primetime series na ‘First Lady’; kinakiligan pa rin ng fans

    REUNITED sina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa inaabangan na GMA primetime teleserye na First Lady.     Unang nagtambal sina Sanya at Rocco sa Encantadia noong 2016 at nasundan ito ng Haplos noong 2017.     Nagkaroon ng fans ang tambalan nila Sanya at Rocco at umasa silang magkakatuluyan ang dalawa, pero biglang lumitaw […]

  • Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level

    BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.     Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.     Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7.     […]

  • Pamilya Corona, naniniwalang ‘vindication’ ang pagbasura ng Sandigan sa forfeiture case

    LABIS na ikinagalak ng pamilya ni dating Chief Justice Renato Corona ang desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa P130.59 milyong forfeiture case na isinampa laban sa kanila noong 2014.     Ayon sa abodago ng pamilya Corona na si Atty. Carlos Villaruz, itinuturing nila itong “vindication” para sa nasirang Punong Hukom na hinatulang “guilty” ng […]